^

Bansa

Bonifacio unang Pangulo ng Pilipinas House bill isinulong…

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Mistulang nakaganti ang bayaning si Gat. Andres Bonifacio kay Emilio Aguinaldo na sinasabing siyang nagpapatay sa naturang pambansang bayani.

Ito’y matapos magharap ng panukalang batas ang Maka­bayan bloc sa Kamara para kilalanin si Bonifacio bilang kauna-unahang presidente ng Pilipinas sa halip na si Aguinaldo.

Kabilang sa Makabayan bloc na naghain ng House Resolution no. 651 sina Bayan Muna Rep. Neri Colmenares, ACT Teachers Party-List Rep. Antonio L. Tinio, Gabriela Women’s Party Rep. Luz Ilagan at Rep. Emmi de Jesus, Anakpawis Rep. Fernando Hicap, Kabataan Rep. Terry Ridon, at Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate.

Kasabay nito hinihikayat din ang pangulo na siyang magtakda sa pamamagitan ng Department of Education at Commission on Higher Education na gumawa ng hakbang kung paano ipapaalam at itutuwid ang katotohanan sa history books, elementary, high school at tertiary education at iba pang kahalintulad na medium of information.

Base umano sa orihinal at authentic documents ng Philippine revolution laban sa bansang Spain at pinatunayan ng historians tulad nila Milagros C. Guerrero, Emmanuel N. Encarnacion at Ramon N. Villegas, si Andres Bonifacio ang unang nagtatag ng national government ng Pilipinas at nagsilbing pangulo mula August 24, 1896 hanggang sa pagkamatay nito noong May 10, 1897.

Ginawa umano ang natio­nal convention ng Kataastaasang Kapulungan o National Assembly ng Katipunan noong Agosto 24,1896 sa lugar ni Melchora Aquino sa Barrio Banlat na ngayon ay bahagi ng Caloocan at sa nasabing pagpupulong ay nagpasa sila ng resolution na nagdedeklara ng nationwide armed revolution laban sa Spain, pagtatatag ng National Government at paghahalal ng mga opisyal na mamumuno sa bansa at sa army.

Bukod din sa Manila, ang Katipunan ay mayroong ma­laking bilang mula sa ibang chapters sa Batangas, Laguna, Cavite, Rizal, Bulacan, Pampanga, Tarlac at Nueva Ecija, at maliit na chapters sa Ilocos Sur, Ilocos Norte, Pangasinan gayundin sa Bicol region na tinatayang mayroong miyembro na 30,000 hanggang 400,000.

ANAKPAWIS REP

ANDRES BONIFACIO

ANTONIO L

BARRIO BANLAT

BAYAN MUNA REP

CARLOS ISAGANI ZARATE

DEPARTMENT OF EDUCATION

EMILIO AGUINALDO

EMMANUEL N

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with