Sa pagbasura ng PDAF Solons tututok sa paggawa ng batas
MANILA, Philippines - Magiging maaliwalas na ang hinaharap ng bansa ngaÂyong wala na ang Priority Development Assistance Fund (PDAF) o pork barrel ng mga mambabatas.
Ito ang pahayag ni Buhay partylist Rep. Lito Atienza matapos na ideklara ng Korte Suprema na unconstitutional o labag sa batas ang pork barrel.
Dahil dito kayat nanawagan si Atienza sa kapwa nito mambabatas na ituon ang kanilang atensyon sa paggawa ng batas at gawin ang kanilang mandato sa paggawa ng batas.
Paliwanag pa ni Atienza, ito na ang magandang araw para sa Pilipinas dahil hayag na ang good governance dahil sa desisyon ng Korte Suprema na siya umanong magsasalba sa demokrasya ng bansa.
Si Atienza ang isa sa hayagan na tumututol sa pork barrel bunsod sa umano’y illegal ang buong sistema ng mga mambabatas na naglalaan ng pera para sa kanilang pansariling interes.
- Latest