^

Bansa

Bagyong ‘Quedan’ napanatili ang lakas

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Napanatili ng bagyong  ‘Quedan’ ang kanyang lakas habang patuloy na binabagtas ang karagatang sakop ng Philippine Sea.

Alas-11:00 ng umaga kahapon, si ‘Quedan’ ay namataan ng PAGASA sa layong 800 kilometro silangan ng Guiuan, Eastern Samar taglay ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometro bawat  oras  malapit sa gitna.

Si ‘Quedan’ ay patuloy ang pagkilos pahilaga hilagang kanluran sa bilis na 7 kilometro bawat oras.

Ngayong Martes, si ‘Quedan’ ay inaasahang nasa layong 900  kilometro silagan ng  Virac, Catanduanes at sa Miyerkules ay inaasahang nasa layong 1,150 kilometro silangan ng  Baler, Aurora at sa Huwebes ng umaga ay inaasahang nasa layong 1,190 kilometro silangan ng  Tuguegarao City

Nilinaw ni Fernando Cada, weather forecaster ng PAGASA na wala pa namang  direktang epekto ang bagyo sa  bansa at hindi rin ito magpapalakas sa habagat.

Anya, may minsang pag uulan sa Metro Manila dulot ng habagat habang Inter-Tropical Convergence Zone (ITCZ) naman ang pag-uulan sa Palawan, Visayas at Mindanao.

 

EASTERN SAMAR

FERNANDO CADA

INTER-TROPICAL CONVERGENCE ZONE

METRO MANILA

NGAYONG MARTES

PHILIPPINE SEA

QUEDAN

TUGUEGARAO CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with