JV na-heat stroke sa kampanya
MANILA, Philippines - Na-confine sa Cardinal Santos Medical Center noong Lunes si senatorial bet San Juan City Rep. JV Ejercito Estrada ng United Nationalist Alliance dahil sa heat stroke at over fatigue matapos ang sunud-sunod na campaign sorties sa iba’t ibang panig ng bansa.
Ayon sa kampo ni Ejercito Estrada, nagkaroon ito ng lagnat simula pa noong Sabado matapos bisitahin ng UNA ang Vigan at iba pang lugar sa Ilocos region.
Sinabi ni Ejercito Estrada na personal silang nangangampanya sa mga mamamayan bilang pantakip sa kakulangan nila ng exposure sa ads sa radyo at telebisyon.
“Grabe na nga ang kulay namin! Todo kayod at suyod kasi. Hindi tulad ng mga administration candidates, ang puputi pa! Sagana kasi sa ads kaya wala nang suyod!†sabi ni Ejercito Estrada.
Ito ang unang pagkakataon na naospital ang mambabatas simula ng magsimula ang kampanya noong Pebrero.
Inilagay pa ni Ejercito Estrada sa kanyang Twitter account na umaasa siyang gumaling agad para makadalo sa last stretch ng kampanya.
“I hope to bounce back soon. Need to get well for the last stretch! Bawal na magkasakit!†ani Ejercito Estrada.
Balak ng mga senatorial bets ng UNA na samantalahin ang natitirang panahon bago ang eleksiyon para puntahang muli ang mga vote-rich na siyudad at probinsya ng bansa.
- Latest