^

Bansa

12% VAT sa foreign digital services aprub kay Marcos

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
12% VAT sa foreign digital services aprub kay Marcos
In this file photo illustration a computer screen displays the Netflix logo on March 31, 2020 in Arlington, Virginia. Already the master of 2020's pandemic-era movie landscape, Netflix on January 12, 2021 offered a preview of upcoming 2021 releases, a list with no fewer than 70 star-studded feature films.
Olivier Douliery / AFP

MANILA, Philippines — Ganap nang batas ang Republic Act 12023 o Value Added Tax Digital Services Law matapos matapos lagdaan ni ­Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa ceremonial signing sa Malakanyang, kahapon.

Sa ilalim ng bagong batas, papatawan ng 12 percent VAT ang mga e-commerce transactions partikular sa online search engines, online market­places, cloud services, online media at advertising, online platforms , digital goods at digital businesses tulad ng Netflix, Google at iba pa.

Binigyan diin ng ­Pangulo na kailangang tugunan ang gap sa sistema ng pagbubuwis na nilikha ng digital services.

Paliwanag niya, na kakumpetensya ng lokal na mga negosyo ang international digital platforms na kumikita sa mga Filipino kaya naman nararapat lang na buwisan din ang mga ito.

Sa loob ng limang taon ay inaasahang makakakolekta ng P105 billion sa bagong batas, at sapat para makapagpatayo ng 42,000 silid aralan, mahigit 6,000 rural health units at 7,000 kilometro ng farm to market roads.

Nilinaw naman ni Bureau of Internal Revenue Commissioner Romeo Lumagui Jr. na maliit lamang ang itataas sa bayad sa digital services.

Kaya tiwala si Lumagui na hindi maitataboy ng bagong batas ang mga dayuhan mamumuhunan.

Giit pa niya na iba-block ang mga dayuhang kumpanya na hindi tatalima sa bagong batas.

TAX

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with