Ungka Flyover bubuksan sa Araw ng Pasko
MANILA, Philippines — Nakatakdang buksan ang Ungka Flyover sa Iloilo City sa Araw ng Pasko ayon kay Department of Public Works and Highways (DPWH) Region 6 Director Engr. Sonny Boy Oropel sa press conference kasama si dating Senate President Franklin Drilon sa Iloilo City.
Kumpiyansa si Oropel na ang ikalawang yugto ng pag-aayos ng flyover ay makukumpleto sa Pasko kung saan makikita ang mga “aestheticupgrade” tulad ng aluminum cladding upang magbigay ng mga dynamic na lighting effect.
Ang mga pagpapahusay na ito, ayon kay Oropel, ay bahagi ng plano ng DPWH na gawing iconic structure ang flyover para sa Iloilo City.
Ang four-lane, 453.7 lineal meters long na Ungka flyover ay itinayo sa pamamagitan ng inisyatiba ni Drilon. Ang flyover, na nagsisilbing pangunahing link sa pagitan ng intersection ng Sen. Benigno Aquino Jr. Avenue at President Corazon Aquino Avenue, ay itinayo upang mabawasan ang pagsisikip ng trapiko.
Ayon sa DPWH, napili ang International Builders Corporation (IBC) na humawak sa ikalawang yugto ng pagsasaayos, habang ang Monolithic Construction & Concrete Products, Inc., na nanalo sa unang yugto ng rectification ay nakatuon sa foundational improvements.
Tiniyak ng DPWH na sa panahon ng rectification, ang isang bahagi ng flyover ay patuloy na bubuksan sa mga commuters para maibsan ang pagsisikip ng trapiko.
- Latest