Kalansay ng 80 US soldiers noong WWII hahanapin sa Pinas
MANILA, Philippines - Nakahanda ang Armed Forces of the PhiÂlippines (AFP) na tumulong sa paghahanap sa mga bungo at kalansay ng 80 Amerikanong sundalo na kabilang sa mga naging Prisoner of War (POW) na idineklarang Missing in Action (MIA) sa bansa noong World War II.
Sinabi ni AFP Public Affairs Office Chief Col. Arnulfo Marcelo Burgos Jr. na nagkasundo ang mga opisyal ng pamahalaan at Amerika na simulan na ang search operation sa mga lugar na posibleng kinalibiÂngan ng 80 sundalong Kano na POWs noong WW2.
Ang Joint POW/MIA Accounting Command (JPAC) na nakabase sa Honululu ang magsasagawa ng pandaigdigang paghahanap, pagrekober at pagsasagawa ng laboratory examinations upang makilala ang may 83,000 nawawalang mga Amerikanong sundalo na lumahok sa giyera kabilang ang nasa 80 MIA sa Pilipinas.
“A nine-member investigation team will work with Philippine partners to authenticate leads from eyewitnesses and conduct field research at numerous locations throughout the Philippines to determine whether a return visit for excavation is merited,†ayon naman sa ipinadaÂlang press statement ng US Embassy sa Defense Press Corps.
Bahagi ng kasunduan ay kailangang irespeto ng mga tauhan at opisyal ng JPAC ang lahat ng mga mamamayan sa Pilipinas gayundin ang batas, regulasyon, tradisyon at paniniwala ng mga Pinoy.
- Latest