^

Bansa

Xmas leave ni GMA ok kay SB

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pabor si House Speaker Feliciano Belmonte sa kahilingan na Christmas furlough ni dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Arroyo.

Paliwanag ni Belmonte, wala namang masama kung humiling ng tatlong linggong bakasyon ang dating pangulo at pansamantalang makalabas ng Veterans Memorial Medical Center (VMMC) para makasama ang kanyang pamilya.

Sigurado naman uma­no na gwardiyado si Arroyo kapag ito ay pansamantalang lumabas ng ospital.

Subalit nakadepende pa rin sa Sandiganbayan kung pagbibigyan ang hirit ni Arroyo bagamat mi­yembro umano ng Kamara ay walang karapatan si Belmonte na makialam sa pagpapasya ng korte.

Nakabinbin pa rin sa Sandiganbayan ang kasong plunder laban kay GMA na nag-ugat sa umano’y paglustay sa intel funds ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa kanyang administrasyon.

Sa petisyon ni Arroyo, nais nitong ipagdiwang ang Pasko at Bagong Taon sa kanilang bahay sa Lubao, Pampanga.

vuukle comment

BAGONG TAON

BELMONTE

GLORIA ARROYO

HOUSE SPEAKER FELICIANO BELMONTE

KAMARA

LUBAO

NAKABINBIN

PAMPANGA REP

PHILIPPINE CHARITY SWEEPSTAKES OFFICE

SANDIGANBAYAN

VETERANS MEMORIAL MEDICAL CENTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with