^

Bansa

Road safety marker, inilagay sa Commonwealth Avenue

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Naglagay ang QC government ng road safety marker sa harapan ng University of the Philippines-Ayala TechnoHub sa kahabaan ng  Commonwealth Avenue bilang simbolo ng commitment ng lokal na pamahalan na gawing ligtas na daan ang Commonwealth Avenue.

Ang Commonwealth Avenue ay tinaguriang ‘killer highway’ dahil sa sunud -sunod na aksidente sa lansa­ngan na nagaganap dito at marami na rin ang bilang ng mga  namatay.

Sa ginanap na unveiling ng naturang marker, hinikayat ni QC Mayor  Herbert Bautista  ang ibang lokalidad, national government at mga ahensiya ng pamahalaan at mga kinauukulang tanggapan sa lungsod na magkaisa na gawing ligtas para sa bawat isa ang mga lansangan.

Sinabi ni Bautista na ang city government  sa pamamagitan ng public order and safety department ay nakikipagtulungan sa QC Police District at sa  Metro Manila Development Authority (MMDA) para sa kampanya na maibsan ang bilang ng mga aksidente sa mga lansangan laluna sa kahabaan ng 12.4 kilometer-Commonwealth Avenue.

ANG COMMONWEALTH AVENUE

BAUTISTA

COMMONWEALTH AVENUE

HERBERT BAUTISTA

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

NAGLAGAY

POLICE DISTRICT

UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES-AYALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with