Kapag may nakagat ang alaga… May-ari ng aso, papanagutin
MANILA, Philippines - Maaari nang managot ang mga nag-aalaga at nagmamay-ari ng aso kung makakakagat ito ng ibang tao sa isang pampubliko at pribadong lugar o kahit na sa sariling bahay ng may-ari ng nasabing aso.
Ito ang panukalang inihain ng mag-inang kongresista na sina Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo at Camarines Sur Rep. Diosdado Arroyo.
Sa House Bill No.6604 o “Act Providing the Liability of Owners for Dog Bites” ng mga Arroyo, layon nitong mabawasan ang mga malalang kaso ng kagat ng aso na nauuwi sa rabies at kadalasang ikinamamatay pa ng taong kinagat ng asong may dala ng nasabing impeksyon.
Layunin din ng nasabing panukala na maging responsable ang mga dog owners na ingatan at iwasang makakagat ang kanilang mga alaga lalo na kung nasa matataong lugar.
- Latest