Ghost train (31)
NAGKAINISAN sina Dindi at Almond matapos malaman ng binatilyo na hiniling ni Dindi sa ghost train na magka-boyfriend. Sinumbatan ni Almond si Dindi; nagalit naman ang dalagita—hindi raw hiniling sa ghost train na si Almond ang ipadala sa kanya.
Nagkahiwalay ang dalawang teenager na malabo ang papaganda na sanang relasyon.
Minalas naman si Vincent. Nang ihatid niya si Almond sa bahay nito, inaresto agad ng mga barangay tanod.
“Ang taong ito ang merong kaugnayan sa tren! Dapat ‘tong ma-exorcise ni Father!â€
“Higpitan nating talaga ang gapos dito, baka makawala!â€
“Nagkakamali kayo, mga bro, wala akong alam sa pagsulpot ng ghost train!†sigaw ni Vincent. `â€Ako pa nga ang naghatid dito kay Almond! Illegal arrest ‘tong ginagawa n’yo!â€
Parang walang narinig ang mga umaaresto. Dinala si Vincent sa barangay hall. Saka pa lang nakaharap ng binata ang barangay chairman.
Paliwanagan at akusasyon ang namagitan. Inuusig si Vincent dahil nga may kaugnayan daw sa mapanligalig na ghost train; dumedepensa ang binata, nagpapakatangi-tangi.
Mabuti na lamang at makatarungan ang chairman. “Pawalan ngayundin ang taong ito. Wala tayong sapat na basehan na ito nga ay may control sa ghost train. Makakasuhan pa tayo nito ng illegal detention!â€
NAKABALIK kay Dindi si Vincent. Nanlumo ang dalagita. “Pati ikaw ay muntik mapahamak, Kuya Vincent, dahil sa baliw kong wish bago ako mamatay…â€
“Malabong makabalik dito si Almond. Nasa poder na siya ng parents niya, Dindi.â€
“Naging makasarili ako, Kuya Vincent. Nagpilit magka-boyfriend kahit hindi dapat, just because I’m dying…na para bang wala nang ibang mahalaga sa mundo…â€
SA HULING mga araw ni Dindi, naalala ng dalagita ang pagmamahal at sakripisyo sa kanya ng amang security guard. Sa tulong ng pera ni Vincent, nag-bonding silang mag-ama sa 5-star restaurant.
“Mahal ko po kayo, Itay. Kain pa kayo nitong morkon.†ITUTULOY
- Latest