^

Pang Movies

Willie, naging biglang ‘talkshow host’

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Willie, naging biglang �talkshow host�
Coco Martin.
STAR/ File

Pinag-uusapan ngayon nang bonggang-bongga ang ‘taklesa moment’ ni Willie Revillame kung saan ay tila naibuking niya na may mga anak na sina Coco Martin at Julia Montes.

Nangyari ito sa pre-debut event ng bago niyang programa na “Wil to Win” sa TV5 na ginanap sa New Frontier Theater last Sunday, July 14.

Sa nasabing show ay ipinakita ang video greetings ng ibang artista para sa bagong show at isa sa bumati ay si Coco Martin.

Matapos ang video greet ay nagpasalamat si Willie kay Coco.

“Thank you very much Tanggol! Thank you Coco sa pagbati mo. I like your bangs ha?” sey ni Kuya Wil.

Pero heto na ang nakakalokang kasunod na dialogue ng TV host kung saan ay nadulas siya na may mga anak na sina Coco at Julia Montes.

“Sobrang bait ‘tong si Coco Martin. Coco, to Julia, at sa mga mga anak niyo, pamilya mo, salamat Coco,” ani Willie.

Kaswal na kaswal ang pagkakasabi ng TV host without realizing na nag-divulge siya ng isang mahalagang impormasyon na never pang kinumpirma mismo nina Julia at Coco.

Well, noon pa naman ay may tsika nang may anak na sina Julia at Coco at matatandaang kinumpirma pa ito ng batikang host/manunulat na si Cristy Fermin last year sa kanyang vlog.

Ayon kay Nay Cristy, may dalawa nang anak sina Julia at Coco. Ang panganay ay 4 years old na at ang bunso naman ay magda-dalawang taon na.

“Naiintindihan po namin kung bakit hindi po sila nagbibigay ng opisyal na pahayag o komento tungkol sa pagkakaroon nila ng mga anak. Ganoon po talaga ang mga magulang. Ang gusto nila, hanggang maaari na mailayo sa mata ng publiko ang kanilang mga anak ay gagawin nila,” pahayag pa ni Nay Cristy.

Mula noon hanggang ngayon ay wala pang pahayag sina Coco at Julia tungkol sa matagal nang tsismis na ito kaya marami ang naloka sa pagbubuking ni Willie dahil inunahan daw nito ang magdyowa sa pagre-reveal. Pero marami rin naman ang hindi na nagulat dahil open secret naman daw talaga ito sa showbiz.

Samantala, sa kasalukuyan ay wala pang reaksyon ang CocoJuls sa mga sinabi ni Willie.

Angelica, naloka sa bulaklak

Naloka si Angelica Panganiban sa ipinadalang bouquet of flowers sa kanya ng kaibigang si Kim Chiu.

Kalalabas lang kasi ni Angelia sa ospital mula sa isang hip surgery at kasalukuyan nang nagpapagaling sa bahay. Kaya naman marami ang nagpadala sa kanya ng ‘get well soon’ flowers sa kanya at isa na rito ang BFF niyang si Kim.

Proud na proud na ibinahagi ng aktres sa kanyang Instagram Story ang natanggap na napakalaking bouquet of flowers mula kay Kimmy.

Joke ni Angelica, “buti nagkasaya sa pintuan namin.”

Mensahe niya sa best friend, “love you momsy @chinitaprincess.

Sumailalim sa isang hip operation si Angelica dahil sa kanyang avascular necrosis last July 7.

Sa kanyang vlog ay ipinaliwanag niya na ang tawag sa procedure na ginawa sa kanya ay cord decompression.

“Nag-drill sila ng butas sa buto ko para magkaroon ng blood flow and siyempre para ma-release ‘yung tension,” aniya.

“Kinuhanan ako ng bone marrow aspiration, so sinaksak ‘yun sa aking dead bone. May tinatawag din silang BMP (Bone Morphogenetic Protein) which is bone stimulant.

“May PRP (platelet-rich plasma) pa rin na nilagay, so may tatlong klaseng medicines na nilagay sa ‘kin na makakatulong sa pag-slowdown ng pag-collapse ng hips ko,” dagdag ng aktres.

Ngayon ay maginhawa na raw ang pakiramdam niya at finally ay nawala na ang pain na 2 years din niyang tiniis.

Umaasa ang aktres na magtutuluy-tuloy na ang kanyang paggaling para hindi na kailangang sumailalim sa hip replacement.

vuukle comment

COCO MARTIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with