^

Pang Movies

TV5, agad-agad sinibak ang empleyadong nanghalay

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
TV5, agad-agad sinibak ang empleyadong nanghalay
Manny V. Pangilinan

Nakakatuwa naman at naging mabilis ang imbestigasyong ginawa ng TV5 sa kaso ng sexual abuse na ginawa diumano ng isang program manager ng network sa isang baguhang researcher ng kumpanya na ilang araw pa lang na nagtatrabaho.

Si TV5 chairman mismo, Manny V. Pangilinan, ang tumawag at nakipag-usap kay Senador Raffy Tulfo at sinabing tapos na ang imbestigasyon at nang makita nila na may matibay na basehan ang sumbong ng baguhang researcher, tinanggal agad nila sa trabaho ang program manager na si Cliff Gingco.

Nauna rito sinuspinde agad siya habang isinasagawa ang imbestigasyon at tuluyan na ngang sinibak matapos na mapatunayan na totoo ang bintang sa kanya.

Bukod doon, nangako ang TV5 na tutulungan nila ang biktima kung ano man ang kailangan. Nangako sila ng psychological help at medical assistance.

Nakakatuwa naman ang nangyaring iyan, katunayan na hindi kinukunsinti ng TV5 ang masamang gawain sa kanilang network kahit na isang manager pa nila ang involved at kalaban.

Ate Vi, ‘di nakatiis sa smog

Medyo nag-iba rin naman ang priorities ni Ate Vi (Vilma Santos). Noong isang araw matapos na magbuga ng usok ang Taal, at sinasabing ang buong lalawigan ng Batangas, Cavite at iba pang lugar sa Calabarzon pati na ang NCR kung saan umabot na ang volcanic smog mula sa Taal, agad siyang kumilos.

Nanawagan na rin ang Department of Health at ang Phivolcs na kailangang magsuot ang mga tao ng face mask kung lalabas sila ng bahay dahil mapanganib na malanghap ng mga tao ang smog.

Kasabay nito pinakilos na ni Ate Vi ang kanilang staff upang maghanda kung ano man ang kinakailangang tulong sa Batangas at pinapag-iingat din niya ang taong lumalabas ng bahay.

Sa ngayon wala namang tungkulin si Ate Vi sa Batangas. “Hindi ko naman maaaring i-deny na naroon pa rin ang moral obligation ko sa mga tao. Hindi naman dahil wala ka na sa posisyon wala ka nang katungkulan sa mga tao. Kaya basta kami lagi kaming handa sa mga bagay na iyan. Hindi kasi kami tumutulong lang dahil nasa posisyon kami, tumutulong kami dahil kailangan naming tumulong,” sabi pa niya.

Isko, nagpaparamdam 

Nagpaparamdam na si Isko Moreno na muli siyang tatakbo bilang mayor ng Maynila sa darating na eleksiyon. Noong kumandidato siya bilang presidente, sinabi niyang oras na matalo siya ay tatalikuran na niya ang kanyang political career, kaya marami ang nagulat ngayong kakandidato siya ulit bilang mayor.

Marami naman ang nagsasabi na siguro naisip nga iyon ni Isko dahil sinasabing mga tao pa rin niya ng mga nakaupong opisyal ng barangay sa Maynila.

Pero bukod kay Isko sinasabing may dalawa pang mabigat na kandidato na maaaring tumakbo bilang mayor ng Maynila, ibig sabihin tiyak na mahahati ang boto at magiging madali para sa popular na kandidato ang manalo, lalo na’t kung magkakaroon nga ng labanan ng apat na kandidato.

Sandro, muntik maputol ang ari?!

“Akala ko naputol na ang ari ko, paulit-ulit nila akong hinalay sa magdamag na iyon,” sabi ng statement ni Sandro Muhlach na ikinaila naman ng dalawang suspect na sina Richard Dode Cruz at Jojo Nones.

May sources na nagsabing sa medical examination ni Sandro na isinagawa ng NBI, maliwanag na nakita ang palatandaan ng sexual abuse sa bata.

Isinampa na nina Sandro Muhlach sa tulong ng kanyang abogado at ng NBI ang kasong sexual ha­rassment, acts of lasciviousness at isa pa sa korte.

Naghihintay na lang sila ng aksiyon ng piskalya para maisampa na nga iyon sa tamang hukuman, pagkatapos noon magpapalabas na ng subpoena ang korte laban sa mga suspect at magtatakda ng piyansa para sa kanilang pansamantalang paglaya habang dinidinig ang kaso.

Pero bago pa man makapagpalabas ng warrant ang husgado, detenido na ang isa sa suspects na si Jojo Nones dahil sa “hindi pagsasabi ng totoo sa hea­ring ng senado.”

Maaari ring iutos ng senado na siya ay ilipat sa Pasay City Jail kung inaakala nilang magtatagal ang kanyang detention sa itinatakda at dahil iyan ay utos ng senado at hindi naman ng korte.

Hindi pa naman sila akusado o napapatunayang nagkasala nga, pero sa hula ng marami magiging mahaba-haba ang panahon na maghihimas ng rehas na bakal ng isang akusado.

vuukle comment

MANNY V. PANGILINAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with