^

Pang Movies

Sen. Jinggoy, sinumbatan ng bashers

Salve V. Asis - Pang-masa
Sen. Jinggoy, sinumbatan ng bashers
Sen. Jinggoy

MANILA, Philippines — Eighty-five years old na pala sana si Da King Fernando Poe Jr.

Kahapon nga ay inalala ang kanyang birthday.

At kasama sa mga bumati sa kanya, si Sen. Bong Revilla. “Isa ako sa mga mapalad na nakasama niya, na makapagpapatunay na hindi lamang sya na­ging kayamanan ng sining at pelikulang Pilipino, kundi isa rin syang mapagmahal na ninong na aking tinitingala. Ipinakita niya ang angking husay, tapang at dangal ng isang tunay na Pilipino—mga katangiang patuloy kong isinasapuso.

“Salamat, Ninong Ron, sa lahat ng iyong naiambag sa ating kultura at sa pagmamahal na iyong ipinadama sa amin. Nawala ka man sa aming piling ay patuloy na mananatiling buhay ang iyong mga alaala,” sabi sa post ni Sen. Bong.

Pero iba naman ang usapan kay Sen. Jinggoy Estrada. Hindi talaga siya tinigilan ng bashers at nag-trending pa dahil sa naging pagtatanong niya sa Senate hearing sa sexual harassment issues kina Sandro Muhlach at Gerald Santos.

Kinukwestyon nila sino siya (Sen. Jinggoy) para punahin ang isang biktima ng panggagahasa na ayaw magsalita (na ang tinutukoy ay si Gerald Santos)? Ito raw ay hindi isang pag-aaksaya ng oras niya bilang senador, ito ay raw trabaho ng aktor / senador! Sinasayang daw ni Sen. Jinggoy ang boto ng mga bumoto sa kanya. Baka raw nakakalimutan ng dating actor / senador ang mga pinagdaanan niyang kaso?

Awss. Dedma naman si Sen. Jinggoy hanggang sa sinusulat namin ito.

Juday, nag-flex ng katawan

Ang sexy ni Judy Ann Santos sa pictorial ng mister niyang si Ryan Agoncillo. “My Judy Anne,” sabi lang nito sa caption.

Kamakailan ay pinatunayan ni Judy ang pagiging Forever Kapamilya at ang unang project niya ulit, ang The Bagman.

Umaarangkada na nga si Juday para sa taping ng action drama series na The Bagman, na pinagbibidahan din nina John Arcilla at Arjo Atayde.

Ang The Bagman ang magsisilbing acting comeback ni Juday pagkalipas ng limang taon, kung saan gumaganap siya bilang presidente ng Pilipinas. 

December Avenue, maraming struggle

After 15 years, sasabak sa major concert ang five-piece indie pop / alternative rock band na December Avenue.

Magaganap ito sa Aug. 30, 2024, MOA Arena, directed by Paulo Valenciano.

Sold-out na as of this writing kaya’t magbubukas sila ng bagong section – standing room only (SRO) – upang ma-accommodate ang fans na umaasang mapapanood nila ang first major show ng December Avenue.

Sa Ilalim Ng Mga Bituin : December Avenue Concert ang pamagat ng nasabing major concert.

Aminado ang grupo na marami silang struggle bago talagang narating ang level ng career nila ngayon.

“Ang tagal na naming pinangarap ito. Matagal na namin itong pinaghahandaan,” ayon sa grupo.

Ang daming sikat na kanta ng December Avenue tulad ng Bulong, Sa Ngalan ng Pag-ibig, Huling Sandali (Tayo Sa Huling Buwan), Kung ‘Di Rin Lang Ikaw at Eroplanong Papel.

Spotify’s Most-Streamed Artist of the Philippines noong 2019 din ang December Avenue, at sila ang nasa likod ng Most-Streamed OPM Album of All Time - Langit Mong Bughaw.

Ang grupo ay binubuo nina Zel Bautista on vocals and guitars, Jem Manuel on guitars, Don Gregorio on bass, Jet Danao on drums and backing vocals, and Gelo Cruz on keyboards and bac­king vocals.                                                               

vuukle comment

JINGGOY ESTRADA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with