Gladys, pinaliwanag ang absence ng pamilya sa panunumpa
Nagbabalik sa Movie and Television Review and Classification Board o MTRCB ang aktres na si Gladys Reyes.
Kung noon ay board member si Gladys, ngayon ay miyembro siya ng Appeals Committee ng MTRCB.
Ang MTRCB Appeals Committee ang nagre-review ng mga apela matapos ang pangalawang desisyon ng MTRCB.
Ipinaliwanag din ni Gladys kung bakit hindi niya kasama ang mister na si Christopher Roxas at kanilang mga anak nung manumpa siya sa araw na iyon. Nasa Australia ang mga ito at nagbabakasyon, pero nakabalik na sila ng bansa kamakailan.
Humingi rin siya ng gabay sa Diyos para sa bagong katungkulan niyang ito.
Kasalukuyan siyang napapanood sa hit GMA Afternoon Prime series na Abot-Kamay na Pangarap.
Bangus Girl, na-pressure
May pressure mang nararamdaman pero mas excited ang social media star na si May Ann Basa o mas kilala bilang Bangus Girl para sa kauna-unahan niyang serye sa GMA, ang MAKA.
Sa Gen Z series na MAKA, makakasama niya ang kapwa niya Sparkle artists na sina Zephanie, Marco Masa, Ashley Sarmiento, Dylan Menor, John Clifford, Olive May, Sean Lucas, at Chanty Videla. Makakatrabaho rin niya ang seasoned actor na si Romnick Sarmenta.
Isang social media sensation si Mary Ann at nakilala siya as Bangus Girl dahil sa videos niya na naglilinis at nagbebenta ng isdang Bangus sa isang palengke sa Roxas City. Maraming netizens ang naka-relate sa kanyang pagiging masipag para maitaguyod ang kanyang pamilya.
Meron siyang 1.4 million followers sa TikTok.
America’s King of Talk Shows, namatay
Pumanaw sa edad na 88 noong nakaraang Aug. 18 ang tinaguriang America’s King of Talk Shows na si Phil Donahue.
Sumikat siya dahil sa talk show niya na The Phil Donahue Show na umere for 26 years. Sa naturang show niya nakilala ang kanyang wife of 44 years, ang aktres na si Marlo Thomas.
Naging inspirasyon ang show ni Phil kung bakit nagkaroon ng sariling talk shows sina Oprah Winfrey at Sally Jessy Raphael.
Nagwagi si Donahue ng 20 Emmy Awards para sa kanyang talk show and in 1992, the Television Academy inducted him into its Hall of Fame. Pinarangalan din siya ng Peabody Award in 1980.
- Latest