Chelsea, papasa sa action movie
Kung natalo, eh ‘di natalo. Kaloka naman kasi ang iba na hindi matanggap na natalo si Chelsea Manalo.
Dahil ba Manalo ang apelyido niya umasa silang maiiuwi niya ang korona ng Miss Universe na ginawa ng kababayan natin?
Naloloka kasi ako eh ganun sa pageant, laging may talo.
Saka sa totoo lang, parang ang daming kakulay ni Chelsea, nawala ‘yung feature ng isang Pinay.
Ang tingin ko talaga sa kanya African o Ms. Nigeria. Akin lang ‘yun ha. Saka ‘di ba may napanalunan siyang ‘korona.’
Hay naku tanggapin na natin ang kapalaran niya. Mag-showbiz na lang siya. Tiyak na pwede siyang leading-lady ng mga action star.
24 Oras, tinutukan sa bagyo
Sa pananalasa ng Super Typhoon Pepito nitong Linggo (Nov. 17) sa iba’t ibang bahagi ng bansa, sumubaybay ang maraming Pilipino sa 24 Oras para manatiling updated at handa sa kalamidad.
Kung sabagay nagsisilbing kaagapay ng mga Kapuso mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang 24 Oras para sa latest news, breaking stories, at malalaking kaganapan mapa-Pinas man o sa ibang panig ng mundo.
Kaya talagang watch ako ng 24 Oras noh para alam ko kung darating ang mga nakapilang bagyo sa ating bayan o kung lumihis na ito sa Metro Manila tulad sa nangyari sa Pepito na tirik ang araw kahapon sa MM pero kanselado ang eskwela.
- Latest