^

Pang Movies

Lovi, may nerbyos sa bagong gagawin

Gorgy Rula - Pang-masa
Lovi, may nerbyos sa bagong gagawin
Lovi at Monty
STAR/File

MANILA, Philippines — Lalong gumanda ngayon si Lovi Poe sa bagong short hair niya.

Paghahanda niya ito sa bagong film project niya sa Regal Entertainment, ang Guilty Pleasure, na kung saan kasama niya rito sina JM de Guzman at Jameson Blake. Si Connie Macatuno ang director nito sa ilalim ng panulat nina Noreen Capili at Trisha Mae Delez.

Medyo magtatagal siya sa bansa, dahil marami pang naka-line up na projects sa kanya bukod dito sa Guilty Pleasure.

Gagawin pa niya ang isang action-drama na The Untamed na ididirek naman ni Richard Somes.

Ang isa pang narinig namin ay merong isang malaking project na excited din siyang gawin.

Kaya ilang buwan siyang magtatagal dito, at ang asawa niyang si Monty Blencowe na muna ang uuwi rito sa Pilipinas.

“He’s gonna come here,” bulalas ni Lovi nang nakatsikahan namin sa story conference ng Guilty Pleasure na ginanap sa Valencia Events Place nung Sabado ng hapon.

Bukod dito sa Pilipinas ay may showbiz career din si Lovi sa Hollywood na kung saan nakagawa na siya ng tatlong pelikula. Meron pa raw siyang isang naka-line up.

“May mga times lang talaga na ako ‘yung lilipad dun. Because, well, I can’t say I’m based like in between ‘yung tipong ganun, because work is also here, work is also there.

“So, I’m just like ready everywhere.

“Meron din akong gagawin na project after.

“Sobrang excited ako because it’s something na iba siya. But ito, Guilty Pleasure is also nakakaiba. I’m actually very nervous about it e,” dagdag na pahayag ng actress.

vuukle comment

LOVI POE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with