^

Pang Movies

Vhong, emosyonal sa panalo kina Cedric at Deniece!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Vhong, emosyonal sa panalo kina Cedric at Deniece!
Vhong

Abot-abot ang pasasalamat ni Vhong Navarro sa vindication na kanyang natanggap kaugnay ng kasong illegal detention for ransom against Cedric Lee at Deniece Cornejo na isinampa niya noong 2014.

Lumabas na kahapon, May 2, ang desisyon ng Taguig Regional Trial Court at “guilty beyond reasonable doubt” ang naging hatol laban kina Cedric, Deniece at dalawa pang repondents na sina Zimmer Raz at Ferdinand Guerrero. Hinatulan ang mga ito ng “reclusion perpetua” o habangbuhay na pagkakakulong.

Ang nasabing kaso ay matatandaang nag-ugat sa pambubugbog, paggapos, pananakot at pagdetine ng mga apat na akusado kay Vhong sa condo unit ni Deniece sa Taguig City, noong Jan. 22, 2014.

Sa It’s Showtime kahapon ay emosyonal na nagpasalamat si Vhong sa naging desisyon ng korte.

“Gusto ko munang… kunin itong pagkakataon na ‘to para po magpasalamat. Of course, maraming-maraming salamat, Lord, dahil lagi Kang nakagabay sa akin. Sa rami nang pinagdaanan ko sa buhay nandiyan Ka. Ikaw ang naging sentro ko at napakatotoo Mo, kaya maraming-maraming salamat,” simula ni Vhong.

Nagpasalamat din ang TV host/dancer/actor sa RTC ng Taguig, gayundin sa judge at sa mga staff ng korte, gayundin sa kanyang legal team na hindi raw bumitaw sa kanya.

Kasama rin sa pinasalamatan niya ang kanyang ABS-CBN bosses na sina Carlo Katigbak, Cory Vidanes, Mark Lopez, Gabby Lopez, Charo Santos-Concio, Freddie Garcia at direk Lauren Dyogi.

“At marami pong salamat sa ABS-CBN, Sir Carlo, Tita Cory, Sir Mark, Sir Gabby, Ma’am Charo  FMG, Direk Lauren, dahil since Day 1 nandiyan po kayo, lagi po kayong nakasuporta sa akin at naniniwala kayo sa akin,” he said.

“At maraming-maraming salamat po kay Direk Chito (Roño), Streetboys, sa mga kaibigan ko, sa mga kuys, Wednesday Club, dahil palagi kayong nasa tabi ko, hindi  n’yo po ako iniiwan at pinapabayaan,” dagdag pa ni Vhong.

Hindi rin niya nakalimutang pasalamatan ang lahat ng kanyang fans na naniwala at sumusuporta sa kanya.

“And of course sa mga naniniwala sa akin, sa aking mga fans na kung ano ang mga narinig niyong hindi maganda sa akin ay patuloy kayong nandiyan, sumusuporta at naniniwala,” aniya.

At siyempre, kasama rin sa pinasalamatan niya ang kanyang It’s Showtime family sa pasensiya sa kanya lalo na sa mga pagkakataong lutang siya,

“Sa staff ng Showtime, Showtime family, maraming salamat kasi hinahabaan n’yo ‘yung  pasensiya n’yo. Kasi minsan lutang ako.

“Roller coaster ang pinagdaanan ko, ang hirap i-explain pero minsan sabaw ako dito, eh. Pero nandiyan kayo. Kahit ‘yung mga bitaw ko, mga hirit ko eh sablay, papuntang norte, papuntang south, ‘di ko alam. Pero nandiyan kayo to support me dahil alam kong mahal na mahal n’yo ako,” naluluhang sabi ni Vhong.

“Of couse sa family ko – kay Yce, Bruno at sa dalawa kong nanay, kapatid ko, pamangkin ko, salamat dahil naging matatag kayo kasama ko. Salamat sa pagmamahal ninyo,” patuloy niya.

Mas naging emosyonal pa si Vhong nang pasalamatan na niya ang asawang si Tanya Bautista.

“Marami akong pagkukulang sa iyo pero hindi mo ako iniwan. Marami akong kasalanan pero nandiyan ka pa rin. Hayaan mong bumawi ako sa iyo sa abot ng aking makakaya, hanggang sa huling sandali ng buhay ko. Mahal na mahal kita. Salamat,” mensahe ni Vhong kay Tanya.

vuukle comment

VHONG NAVARRO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with