^

Pang Movies

Box office Queen / Phenomenal, nagpapagulo

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Akala namin bago na naman ang magbibigay noong sinasabing box-office awards, hindi naman pala kundi ang dati ring Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation.

Ang tagal na nilang nagbibigay ng box office awards na iyan pero hindi pa rin maliwanag sa amin kung sino si Guillermo Mendoza at kung ano nga ba ang kaugnayan niya sa box office ng mga pelikula.

Ngayon hindi namin alam kung papaano nga ba at ano ang kanilang basehan ng box-office awards. Noong araw nagdedeklara lang sila ng isang box office king at box office queen. Noong una nga base  sa record ng sunud-sunod na pelikula, kaya hindi sila makapagbigay ng award taun-taon kasi para may manalong bago dapat malampasan muna ang record ng box office king and queen.

Ngayon mas naguluhan kami sa titles nila kasi may Phenomenal Box Office Stars, sina Dingdong at Marian dahil sa pelikula nilang Rewind. Pero may Box Office Queen din si Kathryn Bernardo para sa pelikula niyang A Very Good Girl, at si Alden Richards naman ang Box Office King dahil din sa pelikula niyang Five Breakups And A Romance.

Pero bakit may phenomenal pa tapos may king and queen? Sino ngayon ang mas mataas doon?

Daniel, sinagot ang pagmumura!

“OA naman ang reaksiyon ng mga tao basta ako nag-e-enjoy lang,” ang sabi ni Daniel Padilla tungkol sa isiningit niyang “PI may kapiling na siyang iba” doon sa kantang Hinahanap-Hanap Kita.

Adlib lang daw iyon ni Daniel.

Pero hindi niya masisisi ang mga taong nag-react dahil sa kanyang sitwasyon sa ngayon, at alam nila aminin man nito o hindi kung sino ang pinatutungkulan niya noong “PI may kapiling na siyang iba.”

Hindi ba kahit naman noong on pa sila ni Kathryn Bernardo halata mong hindi niya gusto na mukhang nagkalapit sina Kathryn at Alden nang magkasama sa isang buwang shooting sa Hong Kong.

Sunshine, gustong ilihim ang jowa

Ayaw na talagang magsalita ni Sunshine Cruz tungkol sa kanyang lovelife. Nadala na kasi siya sa masyadong naging public na love life niya in the past.

Pero mahirap maiwasan iyan para sa isang babaeng kagaya ni Sunshine magaling na artista at sikat at talagang sexy pa rin.

Kung titingnan lang ay parang magkakasing edad lang sila ng kanyang mga anak kaya ayaw maniwala ng iba na wala nga siyang love life.

Direk, nabuko Ang ‘pala’ sa game show!

Naalala lang namin ang isang game show noong araw. Dumating ang panahon na kailangang may manalo na ng isang milyon sa kanilang game, kasi ang sinasabi ng mga tao, isang milyon nga ang premyo wala namang nananalo. Kailangan may manalo na pero walang balak ang network na pakawalan ang isang milyon.

Ang solusyon nila maglagay ng isang “pala” na kunwari siyang mananalo ng isang milyon.

Nagsimula na ang game, napansin ng floor director na may isang mali ang sagot pero nagpalit ng pila.

Hindi pinaalis kaya ang ginawa ng floor director, sinita ang contestant na mali ang sagot at tapos ay lumipat ng pila. Hindi naman alam ng floor director na iyon pala ang “pala” na mananalo ng one million kunwari.

Ang nangyaring kasunod naalis sa programa ang floor director. Kasi nabuko ang planong pandaraya ng network.

Eh ngayon wala na silang games na may malalaking premyo, wala na silang ikakasa eh.

vuukle comment

DANIEL PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with