^

Pang Movies

Cristy at Ogie, tinuluyan ng cyber libel ni Bea Alonzo

Salve V. Asis - Pang-masa
Cristy at Ogie, tinuluyan ng cyber libel ni Bea Alonzo

MANILA, Philippines — May gulat in a way ang naging desisyon ni Bea Alonzo na kasuhan ng cyber libel sina Nay Cristy Fermin at Ogie Diaz.

Naghain nga ng tatlong magkakahiwalay na kasong kriminal – cyber libel si Bea sa Quezon City Prosecutors Office kahapon ng umaga.

May magkahiwalay na programa sina Nay Cristy at Ogie sa YouTube.

Kasama rin sa kinasuhan ng aktres ang kani-kanilang mga co-host.

Ayon sa naunang post ni Nelson Canlas, ini­reklamo rin ng Kapuso actress ang online basher na diumano’y nagpanggap na malapit sa kanya at source raw ng dalawang beterano sa talk show.

Ayon pa sa kumalat na complaint affidavit ni Bea, naging biktima diumano siya ng mali at ma­lisyoso, ganundin ng mapanirang impormasyon dahil sa diumano’y nagpanggap na malapit sa kanya na pinag-usapan sa programa nina tita Cristy at Ogie.

Kabilang diumano sa isang matinding isyu na hindi totoo ay ang diumano’y ‘di pagbabayad ng tamang buwis ng aktres.

Sinamahan ang aktres ng kanyang abogadong si Atty. Joey Garcia at manager na si Shirley Kuan.

Habang sinusulat namin ito ay hindi pa sumasagot si Nay Cristy para sa kanyang reaction sa nasabing demanda si Bea.

Maraming pagkakataon noon na ipinagtatanggol ni Nay Cristy si Bea kaya maraming medyo nagulat sa nasabing demanda nito.

vuukle comment

BEA ALONZO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with