^

Pang Movies

Mia, naubos ang ipon nang malaos ang Sexbomb!

RATED A. - Aster Amoyo - Pang-masa
Mia, naubos ang ipon nang malaos ang Sexbomb!
Mia at Sunshine

Mabilis daw natanggap ng former Sexbomb Girls na sina Mia Pangyarihan at Sunshine Garcia ang paghupa ng popularidad ng kanilang dance group na naging phenomenal success noong 2000 hanggang 2010.

Pero naranasan daw ni Mia na maubos ang naipon niya noong mawala ang Sexbomb. “Dumating ako sa point na naubos ‘yung ipon. Dumating ako doon sa point na nabenta ko ‘yung kotse ko. Parang sabi ko nga, ‘yung kotse, parang last ‘hurrah’ ko na siya eh, ‘yun naman ‘yung ginamit ko pang-business. Which is, thank you, Lord, nag-boom naman siya.”

Kapwa successful na sina Mia at Sunshine sa kanilang buhay ngayon. Booming ang Japanese restaurant ni Mia na may 26 branches nationwide. Si Sunshine naman ay maybahay ni Bulacan Vice Governor and former actor na si Alex Castro.

Dingdong, sabik na sa love… ni Charo

Masaya si Dingdong Dantes sa pagsasamahan nilang pelikula ni Ms. Charo Santos-Concio.

May title itong Love After Love na sinulat at dinirek ni Irene Villamor na nakatrabaho ni Dong sa 2018 film na Sid and Aya with Anne Curtis.

“Speaking of the movie with Ma’am Charo, nagsimula na kami kaya sobrang excited ako rito kasi matagal na talagang naplano ito at isang karangalan talaga na makasama sa screen si Miss Charo Santos kaya talagang looking forward ako rito,” ayon kay Dingdong.

At the same time, may pelikula rin ang misis niyang si Marian Rivera na Balota para sa Cinemalaya.

vuukle comment

DINGDONG DANTES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with