^

Pang Movies

Sikat na aktres, na-trauma sa mood swings ng direktor!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Traumatic pala ang na­ging karanasan ng isang sikat na aktres na nagbibida sa TV at pelikula.

Magaling ang director pero may mood swings. Naging director ito ng aktres nung kasagsagan ng kasikatan ng director.

Pero nung gawin nila ng isang teleserye na adapted sa isang foreign series, natikman ng aktres ang bagsik ng director!

Eh sa isang eksenang ginawa ng aktres, hindi nagustuhan ng director ang acting niya. To think na award-winner din ang aktres, huh!

Sukat ba namang sabihan ng director ang aktres ng, “‘Yan lang ba ang kaya mo?” sigaw ng director sa aktres sabay dura sa mukha nito at talikod!

Napahiya ang aktres. Nalaman ito ng kanyang manager at sinugod ang director. Mabuti na lang at napayapa sila!

Pero pinagsabihan ng TV management ang aktres at nangako namang magti­timpi sa kanyang emosyon! ‘Yun nga lang, ‘pag pumupunta sa taping ang aktres, lagi raw siyang nanginginig at hindi tumitingin sa mata ng director, huh!

Sa ngayon, mabenta pa rin sa TV at movies si aktres pero si director, parang naglaho na parang bula!

Derrick at Elle, tumatag sa pisikalan

Kahit magtapos ang GMA afternoon series na Makiling, tuloy pa rin ang samahan ng mga bidang sina Derrick Monasterio at Elle Villanueva.

Mas lalong naging lumawak at matatag ang relasyon nina Elle at Derrick. Aba, hindi naman kasi biro ang hirap na dinanas nila physically at emotionally habang ginagawa ang series.

Kaya naman ang director ng series na si Rado Peru eh todo hanga sa mga artista niya kahit sobrang pisikalan ang nangyayari sa kanila sa bawat taping day!

Makakahalili ng Makiling sa timeslot ang Voltes V: Legacy.

vuukle comment

DERRICK MONASTERIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with