^

Pang Movies

Rita, bawal magsalita sa pagkaka-indict ni Archie

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
This content was originally published by Pang-masa following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.
Rita, bawal magsalita sa pagkaka-indict ni Archie
Rita

Sa halip na mag-comment sa desisyon ng Bacoor City Prosecutor na akusahan si Archie Alemania ng Act of Lasciviousness, tahimik si Rita Daniela. Bawal yata sa kanya ang magsalita. Kaya ang makikita sa kanyang Instagram ay ang food delivery.

Ni-repost din ni Rita ang post ni Anthony Rosaldo sa musical play nilang Liwanag sa Dilim na tungkol sa musika ng Rivermaya. May post din siya ng luggages at tila nasa airport at paalis.

Matagal nang hindi active ang Instagram ni Archie, sa IG Story siya madalas nagpo-post at ang latest post ay tungkol sa nilutong ginataang alimango na may kalabasa at parang tilapia. Wala pa rin siyang comment sa pagkaka-indict sa kanya.

Mas marami pang nasasabi ang netizens, may kampi kay Rita, may kampi naman kay Archie. May mga nagtanong kung kailan ang arraignment, pupunta raw siya at taga-Bacoor siya. May mga nagtatanong naman kung ano ang ibig sabihin ng Act of Lasci­viousness.

Marami ang mag-aabang sa magiging desisyon ng judge sa kasong ito. Paano nga kaya ito matatapos, ano kaya ang magiging desisyon?

Daniel, walang paki sa birthday ni Kathryn!

Para sa fans ni Daniel Padilla, naka-move on na nang tuluyan ang aktor sa ex niyang si Kathryn Bernardo. Kaya ito nasabi ng solid fans ng aktor dahil hindi binati ni Daniel si Kathryn sa birthday nito noong March 26.

Binantayan ng fans ni Daniel ang social media ng aktor mula 12mn ng March 25 hanggang buong araw ng kaarawan ng ex at wala nga silang nabasang birthday greetings nito sa actress.

Ipinagpasalamat ito ng iba pang fans ng aktor, last year may birthday greetings pa siya.

Ang wish ng fans ni Daniel sa kanya, makahanap ng babae na mamahalin at magmamahal din sa kanya.

Cookies ni Rhian, for sale na

Puwede nang makabili ng Bas Cookies ni Rhian Ramos kahit hindi mag-order online dahil available na ang cookies sa Vibe Bar and Restaurant. May  branches sa may Tomas Morato, Quezon City  at sa Pasig City ang resto, i-Google niyo na lang.

Sumikat ang cookies niya nang mag-post siyang nagbe-bake na naka-bikini at ayun na, mas marami ang nag-order. Naimbitahan pa nga siyang mag-demo sa Bakery Fair 2025 at dahil sa success nito, nakaplano na ang susunod niyang pasisikatin na corn cookies.

Speaking of Rhian, sa April 2, 2025 na ang showing ng Sinagtala the Movie. Successful ang premiere night nito at may mga nagbabalak muling mapanood kapag regular na ang showing sa mga sinehan.

Makikita sa movie ang drummer at singer na Rhian.

Isa sa mga eksenang pinalakpakan ng mga nasa premiere night ay ang duet nila ni Rayver Cruz. May mga nagulat na marunong kumanta ang aktres and in fairness, matagal na siyang kumakanta.

Nabanggit nga nito na magre-release siya ng bagong single this year. Paalala nito sa kanyang fans, single lang ang kaya niya, ‘wag daw mag-expect ng album.

RITA DANIELA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with