^

Pang Movies

Ina ni Janno Gibbs, ikinasal na ulit

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Ina ni Janno Gibbs, ikinasal na ulit
Baby at Butch.
STAR/ File

Isang taon na pala since nag-asawa ang ex-wife ng namayapang actor na si Ronaldo Valdez na si Maria Fe ‘Baby’ Ilagan-Gibbs sa isang prominent personality na si Grepor ‘Butch’ Belgica, dating politician at isang pastor.

Ang dating mag-asawang Ronaldo at Baby Ilagan ay nagkaroon ng dalawang anak na sina Janno at Melissa Gibbs na may kanya-kanya na ring pamilya at mga anak.

Two years bago namayapa ang veteran actor na si Ronaldo at age 76 nung Dec. 17, 2023 ay hiwalay na sila ni Baby Ilagan-Gibbs, ang nakababatang kapatid ng yumaong Sampaguita star na si Liberty Ilagan (who also died at age 76).

Ang magkapatid na Marife or Baby Ilagan-Gibbs ay mga anak ng namayapa na ring actor-director na si Gerry de Leon (Ilagan) who was actually a medical doctor bago ito nahilig sa pag-arte at pagiging isang director. Napangasawa nito ang dati ring actress na si Fely Vallejo.

Si Marife Ilagan or Baby Gibbs ay nag-artista rin noon. Tumigil lamang siya sa profession na ito nang sila’y maging mag-asawa ni Ronaldo at nagkaroon ng dalawang anak – sina Janno at Melissa na parehong singers-actors.

Kasama naman sa relatives ni Baby ay ang yumao na ring sina Robert Arevalo, Jay Ilagan, Conrado Conde, Angel Esmeralda, ang dating radio announ­cer na si Eddie Ilagan at iba pa.

Ang second husband ni Baby na si Butch Belgica ay isa na ring biyudo.

Ang namayapang wife ni Butch Belgica ay suma­kabilang-buhay nung Oct. 27, 2021 sa edad na 71.

Dumalo si Janno sa 2nd wedding ng kanyang mom na si Baby Gibbs with Butch Belgica pero hindi namin nakita sa mga larawan ang bunso nitong kapatid na si Melissa Gibbs.

Speaking of Butch Belgica, isinapelikula ang buhay nito nung 1995, ang The Grepor Butch Belgica Story na pinagbidahan ni Joko Diaz at pinamahalaan ng yumaong director na si Toto Natividad.

Chanda Romero, makulay ang buhay

Martial Law in 1972 nang magsimula sa showbiz si Chanda Romero na pamangkin ng yumaong National Artist for Film, ang mahusay na director na si Eddie Romero. Pero wala umano itong kinalaman sa kanyang pagpasok sa showbiz.

Naka-intern sa isang exclusive school for girls in Cebu si Chanda na nagsimulang magrebelde nang maghiwalay ang kanyang parents dahil sa pagiging babaero umano ng kanyang ama.

Naglayas siya sa kanila at iniwan ang kanyang pag-aaral. Meron lamang umano siya noon P50 sa kanyang bulsa. Sumama siya sa isang kaibigan na sumakay ng barko pa-Maynila.

Sa tulong umano ni Donnie Ramirez ay ipinakilala siya sa yumaong producer ng Tagalog Ilang-Ilang Productions (TIIP) na si Atty. Espiridion Laxa kung saan nagsimula ang kanyang showbiz career.

Although mahigit 100 movies na ang nagawa ni Chanda, pinaka-special umano sa kanya ang pelikulang Ang Mananayaw na pinamahalaan ni Lino Brocka na tinampukan din nina Phillip Salvador at Marissa Delgado.

And the rest is history na lalo na pagdating sa kanyang lovelife kung saan nagpakasal siya sa mister since 2013 na si Jose Mari ‘Mayi’ Alejandrino.

RONALDO VALDEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->