Woman of the hour!

Hindi man pumasok sa Miami Open finals ang Filipino phenomenal tennis player na si Alexandra ‘Alex’ Eala (19), ang kanyang extraordinary performance sa semi-finals ay more than enough na maging proud sa kanya ang kanyang mga kababayan sa buong mundo.
She’s now the ‘woman of the hour’ dahil sa record na kanyang naitala, napakita at naipamalas sa WTA Tour, ang kaisa-isang Filipino Tennis player na nakatalo ng multiple top-5 players and Grand Slam champions at umabot sa tour-level sa semi-final ng Miami Open.
Pasok na si Alex sa #75 by the WTA ranking – making her the highest ranked Filipino singles player sa WTA Tour history.
Turning 20 on May 23, the young Filipina tennis player is making history sa larangan ng tennis sports sa buong mundo, panibagong pride ng Pilipinas at ng mga Filipino.
Si Alex ay anak ng mag-asawang Rosemarie ‘Rizza’ Maniego-Eala at Michael Eala. Ang ina ni Alex ay bronze medalist sa 1985 Southeast Asian Games in a 100-meter backstroke at retiradong Chief Financial officer ng Globe Telecom, habang ang kanyang ama ay naglaro rin ng tennis for the Pennsylvania State University Nittany Lions mula 2020 hanggang 2024.
Pamangkin din siya ni G. Noli Eala, dating Philippine Sports Commission Chairperson at Philippine Basketball Association Commissioner.
She was 12 nung 2018 nang kanyang mapanalunan ang Les Petit para sa may edad na 14 pababa under tournament at ang kanyang junior debut sa 2019 US open.
Sa kaparehong taon, she was named as Milo Junior Athlete of the Year. The following year, 2020, muli siyang nanalo sa girls’ double event.
Keep it up, Alex!
- Latest