Sophie at Vin, naging abala sa kanilang panganay

Isang pink-themed party ang idinaos recently para sa ika-apat na kaarawan ni Avianna Celeste or Ava, ang panganay sa dalawang anak na parehong babae ng mag-asawang Vin Abrenica at Sophie Albert na dinaluhan ng kanilang respective families at malalapit na kaibigan.
Dumalo rin siyempre ang nakatatandang kapatid ni Vin na si Aljur Abrenica bitbit ang dalawa nitong anak na sina Alas at Axl (sa kanyang ex-wife na si Kylie Padilla).
Ava turned 4 nung nakaraang March 15.
Nung nakaraang Nov. 13, 2024 ay isinilang naman ni Sophie ang second daughter nila ni Vin na si Amara Kristina kaya may dalawang Maria na ngayon ang mag-asawa.
Baguhang singer-songwriter, pasok sa Spotify PH Top 50
Ang baguhang Viva Records singer at songwriter na si Earl Agustin ay gumagawa ngayon ng pangalan matapos pumasok sa Spotify PH Top 50 ang kanyang #1 song na Tibok kasunod ang iba pa niyang songs tulad ng Dalangin at #4, Aya at #18, Dito Sa `kin at #33 at Tapos Na at #152.
Nito lamang March 19, apat sa kanyang hit songs ang muling pumasok sa Spotify PH Viral 50, ang Tibok at #1 (sa kanyang ika-32nd day), Dalangin at #6, Dito Sa ‘kin at #9 at Aya sa #10. Apat na awitin niya ang pasok sa Top 10.
Ang kanyang signature hit na Tibok ay kinu-consider na love anthem ngayon ng karamihan na dumanas ma-in love at mabigo.
Ang Tibok ay hindi lamang streaming success kundi bahagi rin ito sa official soundtrack ng Viva One’s hit series, Ang Mutya ng Section E na lalo lamang nagpatingkad sa popularity ng song ni Earl.
Being #1 OPM Artist on Spotify Philippines with over 2 million daily streams (on Spotify), achieving a staggering 2,092 million streams sa loob lamang ng isang araw – pinakamataas na naitala on Spotify PH charts at nanatiling #1 on Spotify PH charts, Apple Music PH, YouTube PH at iTunes PH kasunod ang iba pa niyang hit songs.
Kamakailan lamang ay muling naglabas si Earl ng bago niyang single na pinamatang Pag-ibig ng Ikaw at Ako na kanyang pagpapatuloy ng kanyang signature blend of jazzy, soulful vocals at emotional depth.
- Latest