Fyang at JM, magbabakuran na

MANILA, Philippines — Parang may relasyon na sina JM Ibarra at Fyang Smith na talaga.
Kahapon sa Spotlight presscon ng Star Magic ay diretsahan ang sagot ng kilig love team ng PBB Gen 11.
Lalo na at everyday ay magkasama raw sila dahil sa rami ng trabaho.
Tagos ang kilig nila. At ang bilis ng mga pangyayari sa kanilang career pagkatapos nilang lumabas sa Bahay ni Kuya.
Ngayon ay kasama sila sa voice cast ng Tagalized version ng South Korean movie na Picnic.
Makakasama nila rito sina Nova Villa, Ces Quesada and Bodjie Pascua na distributed by Nathan Studios at nakatakdang ipalabas sa May.
Pinagbibidahan ang pelikula nina Na Moon-hee, Kim Young-ok (oldest Korean actress), and Park Geun-hyung.
Ito ang unang pagkakataon na mapapanood sila sa pelikula matapos silang magbida sa music video ni Regine Velasquez sa kantang Wherever Your Are noong January.
Anyway, sapat na raw na palagi silang magkasama ni Fyang ayon kay JM.
Ini-enjoy raw nila ang bawat oras na magkasama sila at inamin nilang wala na talagang makakasingit sa kanilang team-up.
Tho may trabaho man daw o wala, masaya silang magkasama.
Sweet sila at sinabi rin ni JM na binabakuran niya si Fyang.
“As long as may pagpapahalaga, as long as may respeto kami sa isa’t isa, sapat na po sa amin ‘yun,” sabi ni JM.
Sagot naman ni Fyang : “Ang masasabi ko po sa ngayon ay pinapahalagahan po namin ang isa’t isa at masaya po kami tuwing magkasama po kami.”
Pinagdiinan din ni JM, wala nang makakasingit.
At aminado silang may pressure na tinatawag silang power couple. “Dapat may mangyari kasi mataas ang expectation ng fandom namin,” sabi ni JM.
Sagot naman ni Fyang na “Sana may mapatunayan kami sa pelikula, TV shows, series kahit ano...”
- Latest