^

Pang Movies

Pia, wala raw ‘silver spoon’

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Pia, wala raw �silver spoon�
Pia Wurtzbach

Inaabangan ng netizens kung pupunta rin sa Hong Kong si Pia Wurtzbach.

Base nga sa post ng dating Miss Universe, ginagawa niya kung anong ginagawa ni Heart Evangelista.

In fact, pati raw ang hitsura ng mukha nito, parang may Heart vibe na.

Maging ang mga reel, parang kopya raw ang style.

Ang kaibahan lang daw, ang tapang ng mukha ni Pia at siyempre ang clasiness na innate kay Heart, hindi raw ma-absorb ni Pia ayon sa analysis ng mga fashion expert.

Iba raw siyempre ang may datung at ang kilos ng isang born with silver spoon.

Ang dating glam team ni Heart ang inaalagaan ngayon ni Pia kaya naman pati siya ay nadamay ang pangalan sa diumano’y ‘pagnanakaw’ sa contact ni Heart sa mga fashion week sa Europe na kinumpisal ng misis ni Sen. Chiz Escudero.

Simula nang hawakan si Pia ng ex-glam team ni Heart ay natupad na ang pangarap nitong rumampa-rampa sa mga fashion week sa Europe.

Anyway, ang lamang ni Pia kay Heart, meron siyang wax image sa Madame Tussauds Singapore.

Pero ambassador naman si Heart ng isang high-end mall sa Singapore.

At keribels ni Heart na magdirek ng kanyang mga reel na siya rin ang nag-conceptualize ayon pa sa mga fashion expert.

Samantala, nakasama ni Heart sa isang event sa Hong Kong ang Japanese contemporary artist Takashi Murakami.

“When your artwork becomes a dose of the most purest form of happiness lovely meeting you @takashipom,” sabi nito sa post.

Rewind, umaarangkada rin sa anim pang ibang bansa

May bagong milestone na nakamit ang highest grossing Filipino film of all time na Rewind sa pangunguna nito sa Top 10 movies ng Netflix Philipines at sa limang bansa sa Middle East isang araw pagkatapos nitong maging available sa nasabing streaming platform.

Bukod sa Pilipinas, numero uno agad ang pelikulang pinagbibidahan nina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa Netflix Bahrain, Kuwait, Oman, Qatar, at UAE.

Ito ay base sa datos na inilabas ng streaming analytics site na FlixPatrol.

Naging bahagi rin ang nasabing Metro Manila Film Festival 2023 entry ng Top 10 movies sa Netflix sa Canada, Hong Kong, Malta, New Zealand, Saudi Arabia, at Singapore.

Tampok sa pelikula ang kwento ni John (Dingdong) na nabigyan ng ekstraordinaryong pagkakataon na mag-time travel para iligtas ang kanyang asawa na si Mary (Marian).

Mula ito sa direksyon ni Mae Cruz-Alviar at prinodyus ng Star Cinema, APT Entertainment, at AgostoDos Pictures.

Kinilala kamakailan sa Senado ang Rewind sa pamamagitan ng Senate Resolution 909 mula sa pangunguna ni Sen. Robin Padilla na nagpatibay sa papel ng pelikula sa pagtulong na buhayin ang local film industry.

YC2, humamig ng 579 entries!

Matagumpay na idinaos ng Department of Trade and Industry (DTI) ang grand finals at awarding ceremony ng Young Creatives Challenge (YC2) noong Marso 21, 2024 sa Samsung Hall, SM Aura, Taguig City.

Ang nasabing grandest battle of creativity ay humamig ng 579 entries from all over the country, showcasing Filipino creatives’ exceptional talents in Songwriting, Screenwriting, Playwriting, Graphic Novel, Animation, Game Development, and Online Content Creation.

At ang mga nanalo ay ang mga sumusunod :

Songwriting: Lambing by Rocky (Surigao City, Surigao del Norte);

Screenwriting (Short Film): Fishing the Moon Out of Water by John Peter Chua (Quezon City);

Screenwriting (Full-Length Film): Bugkos: End of Childhood by Breech Asher Harani (Compostela, Davao de Oro);

Playwriting: Ang Pagbuo ng Baliana by Esmeralda Albis (Minalabac, Camarines Sur);

Graphic Novel: The Girl and the Tamaraw by AJRAVII (Quezon City);

Animation: Ang Kampanilya by Meeproduction (Makati City);

Game Development: High Times by YYM Danni (Manila City); and

Online Content Creation: Rose Ann Factolerin Espina and Kirby Jay Factolerin Caragan (Cebu City).

In addition to the ?1,000,000 monetary reward, the grand winners from the Songwriting, Playwriting, Graphic Novel, Animation, and Game Development categories received assistance registering their intellectual property and promo­ting their winning work for production or commercial release.

Ang kompetisyon ay naggawad din ng mga runner-up bawat kategorya, kung saan ang unang runners-up ay tumatanggap ng ?500,000, second runners-up ?300,000, at ikatlong runner-up ?100,000. Binigyan din ng anim na consolation prize na ?50,000 bawat isa.

Tulad ng inirekomenda ng mga hurado, ang kategorya ng screenwriting ay nahahati sa maikli at mahaba. Ang bawat kategorya ay magkakaroon ng grand winners na tatanggap ng ?500,000, ang second placers ay may ?300,000, ang third runners-up ay ng ?100,000, at ang natitirang kalahok ay tatanggap ng ?50,000 each.

DTI also recognized the importance of online content creation, awarding ?30,000 to the best TikTok content that promoted YC2, further emphasizing the expansive nature of creativity in the digital era.

Si Undersecretary Rafaelita Aldaba, na kumakatawan sa DTI, ay nagpahayag ng kanyang agressiveness para sa nasabing event habang binibigyang-diin niya na ang YC2 ay itinampok ang papel ng DTI sa pagtataguyod at pagsuporta sa mga malikhaing sektor bilang integral sa pag-unlad ng ekonomiya at kultura ng bansa.

Kinilala rin ng DTI, kasama si Senator Imee Marcos, na nagtaguyod sa proyektong ito at nagbigay-diin sa makabuluhang pagsisikap ng DTI para ma­ging matagumpay ito.

 

vuukle comment

PIA WURTZBACH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with