^

Pang Movies

Bagong interactive game show ng PIE, may papremyo

Pang-masa

MANILA, Philippines — Excited ang Pinoy Interactive Entertainment (PIE) na ipahayag ang premiere ng kanilang pinakabagong interactive game show, ISKOOL RUL3Z!

Ang trivia game show na ito ay magdadala sa mga KaTroPIEs pabalik sa klase kung saan masusubukan ang kanilang kaalaman sa Pinoy music, pelikula, TV shows, at marami pang iba!

 Hosted ng kwelang PIE Jocks na sina Kevin Montillano at Nicki Morena, ang ISKOOL RUL3Z! ay siguradong magdadala sa inyo ng saya. Sabi ni Montillano, “Siguradong lahat tayo ay mag-eenjoy at maraming matututunan tungkol sa ating pop culture sa show na ‘to.” Dagdag pa ni Morena, “Nag-handa kami ng exciting lineup para sa inyo kaya naman make sure to tune in para maging mas extra saya ang inyong mga Sabado!”

 Nag-premiere ang ISKOOL RUL3Z! noong January 20 at mapapanood sa mga susunod na Sabado, January 27 at February 3, 5 p.m. sa pie.com.ph.

“Patikim pa lang namin ang ISKOOL RUL3Z! Dahil marami pang paparating sa bagong chapter ng PIE! Marami kaming kaabang-abang na Pindot PIEnalo shows kaya siguradong mas maraming experiences na ma-eenjoy ang ating mga KatroPIEs ngayong taon” ani Jil Go, Head of Tradigital Channels Business, KROMA Entertainment.

vuukle comment

ENTERTAINMENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with