^

Pang Movies

Sanya, tinantanan na ang pagiging overthinker

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Sanya, tinantanan na ang pagiging overthinker

Ibinahagi ng Kapuso actress na si Sanya Lopez na ang pagpapatawad sa kanyang sarili ang kanyang biggest lesson nakaraang taon.

Naging masyado raw siyang mahigpit sa sarili noong taong 2023. Kahit daw hindi niya pagkakamali ay sinisisi niya ang kanyang sarili.

“Kailangan lang natin ma-realize na okay, nagkamali ka, kailangan itama ‘yan sa susunod at ‘wag mo nang uulitin kung nagkamali ka. Maging aral ‘yung lahat ng pagkakamali at ‘wag na natin uulitin pa ‘yun,” bahagi ng kapatid ni Jak Roberto.

Naging aral din daw sa kanya na kailangan munang patawarin ang sarili bago matutunang mapatawad ang iba.

Overthinker din daw ang Sang’gre actress na isa pa sa nagpakahirap sa kanya nakaraang taon pero ngayon daw ay maganda na agad ang nangyayari sa kanya.

“Parang paggising ko ng morning, ah okay feeling ko. Kasi may epekto sa atin, paggising mo ng umaga at maganda ‘yung gising mo, parang ‘Lord, thank you sa blessings,’” kuwento pa ng Pulang Araw actress.

Kaya handang-handa na raw siyang harapin ang 2024.

Manny at Jinkee, ‘di nagbago ang ugali

Talagang hanggang ngayon may magic pa rin si Manny Pacquiao.

Maraming taga-USA ang nagpapabili ng figurine niya na inilabas at talagang gusto nila na masali ito sa collection nila.

Isa pang hanga ka kay Manny Pacquiao, ‘yung international popularity niya hindi talaga nabawasan. Makikita mo talagang idol siya kahit ng celebrities abroad.

At ang maganda kay Manny ‘yung hindi siya nagbago ng ugali, mabait at humble pa rin siya at talagang magalang kahit sino ang kausap.

Kahit si Jinkee Pacquiao talagang nanatiling mabait kaya naman siguro patuloy pa rin ang suwerteng dumarating sa buhay nila.

Saka talagang pride mo bilang Pilipino na meron kang isang Manny Pacquiao. Bongga talaga na anywhere in the world kilalang-kilala siya. At siya talaga ang icon na hindi mo puwedeng burahin dahil lifetime ang iniwan niyang pride para sa ating mga Pilipino.

vuukle comment

SANYA LOPEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with