^

PSN Palaro

Galanza, Carlos idinagdag sa Alas pool

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Galanza, Carlos idinagdag sa Alas pool
Creamline’s Jema Galanza and Tots Carlos.
PVL photos

MANILA, Philippines — Idinagdag ng Alas Pilipinas sina Creamline stars Jema Galanza at Tots Carlos sa 19-player pool bilang paghahanda sa darating na 2024 FIVB Challenger Cup sa susunod na buwan.

Ito ang kinumpirma kahapon ni Brazilian coach Jorge de Brito ukol sa pagsama nina Galanza, ang reigning 2024 Premier Volleyball League All-Filipino Conference Finals MVP, at Carlos sa national women’s team.

Nagmula ang Alas Pilipinas, pinamunuan ni ve­teran setter Jia De Guzman katuwang sina Eya Laure, Sisi Rondina at collegiate stars Angel Canino at Thea Gagate, sa makasaysayang bronze medal finish sa nakaraang 2024 AVC for Women Challenge Cup.

Sina Galanza at Carlos ay ang mga naunang players na inimbitahan para sa pagsalang ng tropa sa 2024 AVC Challenge Cup.

Ngunit hindi sila sumama dahil sa matagal nang planado ang celebratory trip ng Cool Smashers sa Spain bago pa man pagreynahan ang PVL All-Filipino Conference laban sa Choco Mucho Flying Titans.

Nauna nang naglaro sina Galanza at Carlos sa national team nang maging kinatawan ang Creamline para sa 2022 AVC Challenge Cup kung sana sila tumapos sa sixth place sa nine-nation tournament.

Bukod kina Galanza at Carlos, isang five-time PVL champion para sa Cool Smashers, ang iba pang idinagdag sa Alas Pilipinas pool ay sina reigning UAAP champions Bella Belen at Alyssa Solomon ng National University Lady Bulldogs.

vuukle comment

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with