^

Pang Movies

Kasalang Javi at Sue, secret muna!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Kasalang Javi at Sue, secret muna!
Javi at Sue

‘Secret,’ sagot ni Mayor Javi Benitez nang tanungin ko kung may marriage plan na ba sila ng actress na si Sue Ramirez.

Naglabas ng resibo ang magkarelasyon na hindi sila split contrary sa pinalalabas ng iba na split na sila dahil lang sa isang post ng actress.

Pero mismong si Mayor Javi na ang nagsabing hindi sila hiwalay ni Sue.

Anyway, itinanggi rin ni Mayor Javi na kakandidato siya sa mas mataas na position sa susunod na election kaya nag-iisip na siyang pakasal.

Love Bites, walo ang kuwento

Walong iba’t ibang kwento ng pag-ibig ang pagbibidahan ng ilan sa mga bituin ng ABS-CBN na sina Kaila Estrada, Chie Filomeno, Kim Rodriguez, Joao Constancia, Anji Salvacion, Angela Ken, at marami pang iba sa ikalawang season ng Love Bites ng ABS-CBN Entertainment na magsisimula ngayong Abril 28 (Biyernes).

Ngayong tag-init, ipapakita ng programa ang kagandahan ng Oriental Mindoro at tatalakayin ang iba’t ibang tema ng pag-ibig tulad ng young love, second chances, closure, at iba pa.

Sa unang episode, magtatambal sina Kim Rodriguez at Ian Pangilinan sa isang kwento tungkol sa babaeng si Kath na bibili ng wedding dress kahit pa wala itong nobyo o mapapangasawa.

Matapos ang kanyang pagbili, makikilala niya ang pastor na si Eman.

Senyales ba ang wedding dress ng posibleng pagdating ng bagong pag-ibig sa kanyang buhay o isa lamang itong walang kwentang pagbili?

Bukod sa episode na Wedding Dress, panoorin din ang mga storyang pagbibidahan nina Aya Fernandez at Iana Bernardez (Stand In Love), Angela at LA Santos (Boy Next Door), Kaila, Joao, at Chie (Closure), at Daniela Stranner at Batit Espirtu (Summer Camp).

Abangan din sina Jay Gonzaga at Enzo Almario sa Boy Meets Man, Anji, Janna Agoncillo, Elyson de Dios, at Marc Santiago sa Wedding Booth, at Mary Joy Apostol at Jomari Angeles sa Honest Love.

Ito ay sa ilalim ng produksyon ng RCD Narratives, ang grupo sa likod ng MMK, Killer Bride, A Soldier’s Heart, at Viral Scandal at direksyon nina Kevin Alambra at Raz dela Torre.

Bong, init na init nasa Matinik na Misis…

Summer na summer ang post ni Sen. Bong Revilla na handa na sa kanyang TV comeback via Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis.

Shirtless ang senador na kamakailan lang ay tinanggalan ng apdo.

“Ready for the project “Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis” TOLOMEE..... huhu Abangan sa GMA,” aniya sa pagbibidahan nilang spinoff sa small screen ng hit and classic movie nila ng misis na si Cong. Lani Mercado.

Leading ladies niya sina Beauty Gonzalez and Max Collins.

Susundan nito ang kuwento ni Police Major Bartolome Reynaldo (Sen. Bong), na hinahangaan sa kanyang kagwapuhan, walang takot, at kasikatan sa mga kababaihan. But there is one thing that grounds Tolome and that’s his fear of his wife, Gloria (Beauty).

 Ang dami naman agad nag-react na fans ng actor/politician na papanoorin nila ito.

Nauna na ngang sinabi ni Beauty na “Excited na excited ako kasi gusto kong ipakita ‘yung nakakatawang side ko.

“Kasi ‘yun ‘yung hindi nakikita masyado ng mga tao na I’m funny, too, and, at the same time, I’m a proud Bisaya.

“Isho-showcase ko ang pagka-Bisaya ko and hello, ang dami nating Bisaya rito. May mapanood tayo sa TV na we’re also talking our language,” banggit ni Beauty nang ipakilala siyang endorser ng Hey Pretty Skin.

 Feeling din daw ni Beauty ay magiging hit ito dahil kailangan natin tumawa para maging masaya.

“Gusto ko ring makita ng iba, ibang side of me. And to be offered and handpicked by Sen. Bong was wow, it was like unexpected,” dagdag nito sa nasabing press launching last week.

Influencers, pinagsawaan na?!

Humina na nga ba ang hatak ng ibang celebrity / influencers?

Ang rason daw kasi ay confused na ang tao kung ano ba talagang ini-endorse nila.

Ayon sa narinig kong chikahan, lahat naman daw kasi ng endorsement / collab tinatanggap na ng mga celebrity / endorser / influencer.

Kaya naman ang nagsa-suffer diumano ang mga produktong ini-endorse nila.

Lately nga lahat ata ng produkto ay nakikipag-collab sa social media.

vuukle comment

SUE RAMIREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with