^

Pang Movies

Iya, bet na bet ang itlog!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Iya, bet na bet ang itlog!
Iya

Walang reklamo si Iya Villania sa pagiging ina sa apat na anak. Actually, puwede pa raw siyang magdagdag.

Kumusta naman sila sa bahay, anong adjustements sa pagdating ni Astro?

“Oh my goodness! Alam mo ba kanina nandito na nga ulit ako sa stage na alam mo ‘yung parang ang cute nila masyado, nadagdagan pa,” aniya online mediacon ng cooking show nila ni Chef Jose Sarasola sa GMA 7 na Eat Well. Live Well. Stay Well last Friday.

“Nandyan na naman ako, kasi si Astro, he’s laughing now, tumatawa na siya. Tulad kaninang umaga, 4 a.m. Nagising ako dahil ang daldal niya. Ang dami nyiang mga ‘haaa’ gumaganun-ganun lang siya. Sabi ko ‘oh my god’ hindi siya umiyak. He’s exploring. Parang na-discover na niya ang voice niya. So ang saya lang dito sa bahay especially now si Drew nawala siya ng isang buwan eh. And now he’s back, feel na feel mo how they missed Drew,” chika ni Iya.

Nakita raw niya kung kung paano agad nag-grow si Astro na ngayon nga ay panay na ang tawa at nag-i-interact na.

Pero handa pa rin aniya siyang sundan ang bunsong anak.

“Ang saya lang. I know that some people think ‘apat na anak, paano? Posible ba ‘yun?’. But you know what with all honesty it was only hectic kapag mga first 2-3 years. Si Primo at Leon ngayon sobra na silang daling i-handle. I don’t even include them when I think about ‘yung riot dito sa bahay because kapag nagkaka-riot, pwede ko na silang pagsabihan. Si Alana at Ash dahil sila ‘yung dalawang maliit ko, sila pa ‘yung dalawang kailangan kong tutukan. Sila ‘yung syempre hindi pa nakakaintindi. So sila ‘yung mas may trabaho. But for Primo and Leon madali na lang kaya go pa,” paliwanag ng TV host.

Pero ang ayaw raw muna niyang gawin ngayon ay mag-travel dahil naranasan na niyang mag-travel na may kasamang maliliit na anak at ayaw na raw niyang ulitin ‘yun.

Natanong din siya kung mahirap bang ipagluto ang mister niyang si Drew?

“Yes and no. Yes dahil magaling din kasi siya sa kusina at alam ko tutok siya sa akin kapag nagluluto ako so medyo nako-conscious ako. Sasabihin niya ‘love itaas mo pa ‘yung apoy mo or love whatever.’ Basta parati siyang may say. Siya ‘yung mas confident sa aming dalawa sa kusina. Siya ‘yung mas unang natutong magluto kesa sa akin. Kaya it’s really a big deal nung nagkaroon na rin ako ng confident sa kusina pati siya sobrang proud sa akin. Kasi nakita niya ‘yun. Nakita niya noon na hindi ko sure ano ang mga galawan ko sa kusina. Tapos ngayon parang I’m more care free because I’m more confident. In a sense, hindi naman siya mahirap lutuan kasi I know that he will appreciate anything that I make.”

Kung pagkain si Drew, ano siya?

“Kung pagkain siya? Naku ano kaya. Sige ano na lang, saging. Saging dahil paborito ko ang saging at paborito ko rin siyang tao at nagbibigay siya ng sustansya. And I feel that there is a certain boost and energy that he gives me na nakukuha ko sa saging,” sagot niya na nangingiti.

Eh siya, kung pagkain, ano siya?

“Itlog. Bakit itlog nasabi ko. Hindi ko rin alam bakit ‘yun ang nasabi ko. Gutom ako parang gusto ko yata kumain. Because I feel like it’s essential and it’s easy to get. Parang it’s readily available. Parang feeling ko itlog ako para sa pamilya. Gusto ko maging itlog para sa pamilya ko. ‘Di ba kunwari gutom ka tapos gusto mo ng something that will sustain you, that has nutrients. Mabilis lang lutuin. Pwedeng mong ilaga kahit anong gawin mo sa itlog it’s gonna taste good. Kahit ilaga mo lang ‘yan, okay na ‘yan ‘di ba.”

Samantala, nasa 4th season na ngayon ang Eat Well. Live Well. Stay Well at aminado sina Iya and Chef Jose na nagulat silang umabot ng ganito katagal ang kanilang programa kaya naman very happy and thankful sila.

Napapanood ang Eat Well. Live Well. Stay Well every Friday, 11:20 a.m. sa GMA 7.

Sandara, puring-puri ng TikTok star na si Bella Poarch!

Puring-puri ng Filipino-American TikTok superstar na si Bella Poarch si Sandara Park nang mag-hang out sila sa Paris Fashion Week recently.

Ipinost niya ang photo nila na magkasama  sa France : “I love Dara, she is so talented and beautiful @krungy21”

Sinulat niya pa in Korean pero puwede namang i-translate.

Sumagot naman si Dara ng “Salamat!!! It was great to meet you. Sana magkita ulit tayo next time!!!”

Comment naman ng ilang Twitter users buti pa si Sandara nag-Tagalog samantalang pure Korean siya samantalang si Bella na isang Fil-Am, mas piniling mag-Korean.

Samantala, parang nawalan ng ingay sina Joshua Garcia and Bella.

Sa ibang Bella ang sinasabing girlfriend ni Joshua, si Bella Racelis na isang local influencer.

Alex Calleja, may concert sa birthday 

 Maghahatid ng saya at katatawanan sina Alex Calleja at mga kapwa niyang komedyante sa pagdiriwang niya ng kanyang ika-50 na kaarawan sa Happy! The Alex Calleja Birthday Special.

 Ang iWantTFC ang official media partner ng naturang stand-up comedy show kung saan dapat abangan ang nakakaaliw na mga performance ng iba’t ibang special guests.

Makakasama ni Alex upang maghatid ng katatawanan sina Israel Buenaobra, Mak Navarez, Jeps Gallon, Yuki Horikoshi, Ramon Cabochan, Dawit Tabonares, Grease Junio III, Winer Aguilar, Sherwin Buenvenida, at Leland Lim, at ang special guests na sina Diana Menezes and Paolo Santos.

Gaganapin ito sa Oktubre 14 at 15 ng 9 p.m. sa Maybank Performing Arts Theater. Makakabili na ng tickets sa www.ticketworld.com.ph sa halagang P1,800 (Zone 1), P1,500 (Zone 2), o P1,200 (Zone 3).

vuukle comment

IYA VILLANIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with