^

Pang Movies

Julie Anne walang alam sa napanalunan

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Hindi na naman nagkita ng personal sina Julie Anne San Jose at Daniel Padilla sa katatapos na Star Awards for Music ng Philippine Movie Press Club (PMPC) last Sunday. Silang dalawa ang new male at female recording artists of the year. 

Nagkaroon kasi ng issue noon na nag-react ang fans ni Daniel dahil pinagtawanan daw ng magka-love team na Julie Anne at Elmo Magalona ang pagkanta ni Daniel. 

Nagsalita noon si Daniel na “Magkaroon muna sila ng platinum record award.”

That time naman ay naka-double platinum na ang debut album ni Julie Anne pero hindi na nila pinansin ni Elmo iyon dahil wala naman silang ginawang gano’n. 

Katatapos lamang tanggapin ng pop singer-actress ang kanyang fourth platinum record award from GMA Records last week sa Sunday All Stars.  

Kausap namin that afternoon si Julie Anne sa 9th anniversary celebration ng Get Laud collections na siya ang sole celebrity endorser sa branches nito in Metro Manila and provinces. 

May meet and greet siya sa fans na nagpatalbugan sa pagkanta ng mga song ni Julie Anne sa debut album nito. Pero wala naman yatang alam si Julie Anne na may awards night ng gabing iyon at nominated siya. Kaya sa Twitter account niyang @MyJaps siya nagpalasamat sa PMPC.   

Nagpasalamat din si Julie sa Get Laud owners, sa fans niya at JuliElmo fans na patuloy na sumusuporta sa kanyang mga ginagawa, lalo na sa pagsubaybay sa kanyang primetime musical drama series na Kahit Nasaan Ka Man katambal si Kristoffer Martin at Lucho Ayala na napapanood na ngayon pagkatapos ng Genesis ni Dingdong Dantes. 

Maxene nadadala na ang pagkaluka-luka hanggang bahay

Kahit si Maxene Magalona, ayaw niyang makaligtas ang character niyang si Vicky sa Mga Basang Sisiw na nasa last three weeks na, na napapanood pagkatapos ng Eat Bulaga. Inamin ni Maxene na para na talaga siyang naloloka dahil kahit tapos na ang eksena, dala-dala pa rin niya ang character niya at nasusungitan niya ang mga kasama niya sa set. 

Gusto rin munang magpahinga ni Maxene dahil for 22 weeks iyon talaga ang character niya pero kung may offer pa ring kontrabida role sa kanya, tatanggapin pa rin niya, pareho lamang kasi ang hirap ng magtaray at umiyak sa eksena.

 

vuukle comment

DANIEL PADILLA

DINGDONG DANTES

EAT BULAGA

ELMO MAGALONA

GET LAUD

JULIE

JULIE ANNE

JULIE ANNE SAN JOSE

MAXENE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with