^

Pang Movies

Willie, pikon na!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Willie, pikon na!
Willie

Hindi man niya aminin, talagang masasabi mong napikon si Willie Revilame nang aminin niyang hindi niya nagustuhan ang ginawa ng kanyang kalabang show na ang isinalubong sa bago niyang programa sa TV ay ang kanyang anak at ang tiyahin noon at iba pang bumubuo ng pamilya? Ang tanong ni Willie, “ano gusto nila labanan ng pamilya talaga?”

Hindi maikakaila na kinabahan din ang GMA 7 nang unang mabalita na babalik si Willie sa TV5, lalo na noong una na sinasabing post programming siya ng Eat Bulaga. Kasi magkakabatakan ang dalawang show at nanganganib hindi lamang ang It’s Showtime na blocktimer nila, kundi ang kanilang buong afternoon slot.

Nang ibalik si Willie sa kanyang early evening time slot, tatamaan naman ang show ni Dingdong Dantes, natural hindi papayag ang GMA na matalo sila ni Willie.

Talagang sinadya na sa launching niya na ang kanila naman ay ang anak niyang si Meryll Soriano ang guest, hindi ibig sabihin noon ay pampataas lang ng ratings pero pang-asar lang ba?

May punto naman si Willie ang kanyang show ay original, inisip para sa audience na Pilipino hindi nagbabayad ng rights mula sa mga kaisipang dayuhan. Ang show niya ay napapanood nang live, kaya kung minsan at may palpak live eh, natural lang iyon. Ang kalaban nga naman niya ay isang taped program, kaya natural malinis na malinis na iyon, wala nang mali.

Pinupuna pa na napipikon na raw si Willie sa kanyang staff at baka isang araw sabi nila bigla na lang umayaw si Willie sa show.

Ivana, inakusahang prima donna!

May statement agad ang ABS-CBN sa pag-alis ni Ivana Alawi sa kanilang ipinagmamala­king Batang Quiapo. Wala naman daw naging problema. Parang sinabi nilang nagsisinungaling na naman ang nagsasabing nagpi-prima donna si Ivana kaya inalis. Ang paliwanag nila, hindi inalis si Ivana sa show, kaya lang ang talagang kontrata niya roon ay tatlong buwan lamang, humaba na nga lang kasi kinagat ng mga tao.

Pero hindi mo rin naman masisisi si Ivana kung magdesisyon siyang umalis na sa show, kasi natatali siya sa taping ng serye. Mas kikita siya kung gagawin niya ang lahat ng mga commercial endorsement na iniaalok sa kanya at makakapag-vlog pa siya.

Piolo, magpapatawa

Hindi kami impressed sa early line-up ng Metro Manila Film Festival. Para lang ibinalik nila ang mga pelikulang kasali sa festival bago ang pandemic period.

Noong nakaraang taon ay pumasok ang ambisyosong proyekto ng Jesuit Communications na GomBurZa, na sinabayan pa ng isang new player pero nakagawa ng isang magandang pelikula tungkol sa kauna-unahang paring Pilipino na hinatulan ng bitay si Juan Severino Mallari.

Nakakalungkot nga dahil si Piolo Pascual ay bahagi ng dalawang historical movies na iyan noong nakaraang taon na naghatid sa kanya ng karangalang best actor mula sa iba’t ibang award-giving bodies, pero ngayon isang sitcom ang kanyang gagawin.

Batay raw sa script ang kanilang pamimili, pero aywan kung ganoon nga kaganda lalabas ang ilang mga pelikula nilang sa simula pa lamang at casting ay hindi maikakailang komersiyal lamang.

Siguro nga mahalaga para sa MMFF na mapanatili nilang kumikita ang kanilang festival na nakabawi noong nakaraang taon matapos ang pandemic.

vuukle comment

WILLIE REVILAME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with