^

Pang Movies

Anne at Erwan, iniintrigang hiwalay na!

STAR TALK - Lolit Solis - Pang-masa
Anne at Erwan, iniintrigang hiwalay na!
Jasmine. Carmen, Dahlia at Anne
STAR/File

Ang bongga naman ng daughter nina Anne Curtis at Erwan Heussaff na si Dahlia na nag-flower girl sa wedding sa pinuntahan nilang kasalan sa Australia.

Ipinost ng It’s Showtime host ang mga litrato nila sa garden wedding kung saan kasama niya ang nanay niyang si Carmen at kapatid na si Jasmine.

Lutang nga ang pagka-cute ng bagets suot ang isang black velvet dress.

Sa caption ay nagpasalamat ang actress-host sa magandang panahon at makikita nga ang ganda ng lugar sa mga photo nila.

Pero napansin ng fans na hindi nila kasama ang mister nitong si Erwan at ginawan ng intriga ng netizens. Nagkaroon sila ng ispekulasyon na hiwalay na raw ang dalawa dahil hindi sila magkasamang pumunta sa Australia. Meron daw kumakalat na fake news na magdi-divorce na ang dalawa na nagsimula lang pala dahil sa post ng aktres bilang pagsuporta sa Divorce bill.

Agad namang dumepensa ang mga tagahanga niya at sinabing kung talagang follower ka, alam mong hindi ito ang unang beses na ginawa nila ito. Normal daw itong ginagawa ng dalawa na senyales ng healthy relationship.

Sa latest post ni Erwan ay mukhang busy lamang ito na nasa Siargao kasama ang kanyang team para sa isang shoot.

vuukle comment

AUSTRALIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with