^

Pang Movies

Maricel, relevant pa!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Maricel, relevant pa!
Maricel Soriano
STAR/File

Mukhang unfair naman yata kay Maricel Soriano ang ginagawa nilang bashing. Sabi nila si Maricel daw ang reynang walang trono, dahil pulos supporting lang ang mga ginagampanan niyang papel.

Hindi naman maikakaila na si Maricel ay isa sa pinakamahuhusay nating aktres kahit na noong araw pa. Kumbaga ang dating niya noon parang si Vilma Santos, hindi masasabing siya ang pinakasikat noon, pero siya ang pinakamagaling. Napakahusay niya sa pelikulang Saan Darating ang Umaga, natawag ang aming pansin at naniwala kaming siya ay isa ngang mahusay na aktres.

Pagkatapos noon ay marami nang pelikula niya ang aming napanood at totoo nga na isa siyang mahusay na aktres. Pero nagkaroon din naman siya ng mga personal na krisis sa kanyang buhay at dahil doon ay bumagal ang takbo ng kanyang career.

Hindi nga maikakaila ang kasikatan niya na hanggang ngayon ay kilala pati ng mga Gen Z at kasalukuyang bahagi ng seryeng Lavender Fields.

Sandro, kinatatakutan na?!

Tinatanong nila kung ano raw kaya ang mangyayari sa career ni Sandro Muhlach matapos ang kanyang reklamo laban sa dalawang baklang independent contractors ng GMA 7 na inakusahan niya ng panghahalay.

Mapapansin mo, naroroon ang pag-discourage kay Sandro, na kesyo matatakot na raw ang iba na makatrabaho siya o ang producers ay matatakot na kunin siya dahil kung may mangyayari palang hindi niya magustuhan ay maaari siyang magdemanda. May nagsasabi namang pagkatapos niyan ay tiyak na marami ang iiwas muna sa kanya lalo na nga ang mga bakla na natural makikisimpatiya sa kapwa nila bakla.

May mga nagsasabi ngang ang nangyari kay Sandro ay maaaring siyang mag-udyok para sa kanyang pamilya na mag-produce na muli ng pelikula, at kung mangyayari iyon mas maraming mga manggagawa at artista ang mabibigyan ng pagkakataon at tiyak iyon, wala sa kanilang makakaranas ng pang-aabuso.

Kanya-kanyang paniniwala kung ano ang kahihinatnan ng kasong iyan, at kung ano rin naman ang kahihinatnan ng career ni Sandro pagkatapos ng kaso.

Tony, hindi nagkomento sa sexual harassment

Nakapagbigay rin ng opinyon si Tony Labrusca nang tanungin siya tungkol sa sexual harassment sa showbiz. Sinabi ni Tony na hindi naman siya na­ging biktima ng ganoon. Siguro nga walang naglakas ng loob dahil alam nilang matapang siya at papalag kung hindi niya gusto ang sitwasyon.

Kaya nga may nagsasabi ring mga bakla na nakapagtataka na si Tony Labrusca na isa sa sexiest male stars sa kasalukuyan ay nakakaligtas sa sexual harassment.

Siguro nga takot din naman ang mga abusadong bakla na halayin ang isang lalaking alam nilang papalag.

vuukle comment

MARICEL SORIANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with