^

Pang Movies

Ate Vi, nauna pa kay Charlie Chaplin!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Ate Vi, nauna pa kay Charlie Chaplin!
Vilma Santos Recto

Apat na pelikulang klasiko ni Vilma Santos Recto ang ipinalabas sa theater ng Blessed Pierre Giorgio Frassatti buil­ding ng UST kamakailan kung saan isinagawa ang Vilma Santos: Woman, Artist and Icon Retrospect bilang parangal sa kanya at sa tatlong librong na ipa-publish ng UST Press.

Ilalabas daw nila ang unang libro na isang scholarly written book ng mga napili nilang contributors mula sa mga malalaking pamantasan sa Pilipinas. At lahat daw ng mga nagsulat ay may master’s degree kung ‘di man doctor of letters.

Iyong ikalawa at ikatlong libro sa 3 book series tungkol kay Ate Vi ay ilalabas naman sa unang quarter ng susunod na taon. Ang isa roon ay coffee table book na maglalaman ng mga eksklusibong larawan ni Ate Vi, bilang isang aktres, public servant at isang ina.

Malaking karangalan iyan para kay Ate Vi dahil siya ang unang Pinoy artist na magkakaroon ng libro na series ha.

Ang isa pang artistang nagawan ng ganyang mga libro ay si Charlie Chaplin, noong siya ay 88 taong gulang na, bago siya yumao.

Ang daming mga bagong nasisimulan dahil kay Ate Vi.

Naikuwento rin niyang kasama ang mga nasa pamunuan ng Aktor Ph, nakipagpulong sila kay First Lady Liza Araneta Marcos, na nagsabi raw na tutulong siya sa industriya ng pelikulang Pilipino.

Sabi nga ni Ate Vi, maaaring sa tulong ng first lady ay makapag-restore pa ng mas maraming klasikong pelikulang Pilipino na hindi natin dapat pabayaang mawala na lang.

Mukhang masyado ngang magiging abala si Ate Vi sa pagpasok ng 2025.

Neri, sumunod kina Ricardo at Luis!

Kinumpirma ni Chito Miranda na ang asawa niyang si Neri Naig ay nakakulong nga at walang bail ang isa sa mga kasong kinakaharap niya. 

Giniit din naman ni Chito na walang taong niloko ang kanyang asawa, naging endorser lang daw iyon ng isang produkto ng pampaganda at wala naman iyong kinalaman sa pagkuha ng investments ng mga may-ari ng kumpanya.

Mukhang ganyan din ng naging kaso ni Ricardo Cepeda. Kinuha siyang endorser ng isang kumpanya na ginamit pala sa scam, dahil siya ang kilala, siya iyong nademanda at nakulong. Ganyan din ang muntik nang mangyari kay Luis Manzano, mabuti at napatunayan niyang hindi siya kasali sa scam dahil siya pa nga ang naunang humingi sa NBI na imbestigahan ang kumpanya.

Maging aral nawa ito sa ibang mga celebrity na parang ang bilis mauto.

Male starlet, kumpirmado ang relasyon sa pulitiko!

Nakakuwentuhan namin noong isang araw ang production designer ng mga pelikula na si Ricky Ramirez Abad at sinabi niyang totoo raw iyong a­ming blind item tungkol sa isang male starlet na boy toy ng isang high government official.

Pero ang balita raw niya ay one time lang iyon at hindi na naulit. Pero kung one time lang iyon, bakit may isang luxury car pa at townhouse na ibinigay sa male starlet? At may mga nakakakita sa high government official na nagpupunta sa townhouse ng male starlet sa isang suburban city kung gabi?

Ang sabi na lang ni Ricky, “sana maging millio­naire din ako o kaya ay magkaroon ako ng confidential funds para makapag-date din ako ng ganoong pogi.”

Iyon na!

VILMA SANTOS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with