^

Pang Movies

Jericho, kinumpara kay Paulo

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Jericho, kinumpara kay Paulo
Jericho Rosales

Ang sabi raw ni Annabelle Rama, mas boto siya kay Jericho Rosales kesa kay Paulo Avelino para sa kanyang apong si Janine Gutierrez. Kung tutuusin, mukha naman talagang mas seryoso si Jericho sa panliligaw kay Janine kaysa kay Paulo na ngayon naman ay nali-link kay Kim Chiu.

Si Jericho ay hiwalay sa asawang model.  Si Paulo naman ay nabuntis si LJ Reyes na hindi niya pinakasalan, pero mukhang kahit na papaano ay nagbibigay naman ng sustento sa anak niya.

Sa totoo lang, totoo naman parang mas responsable si Jericho at sino man ang kapamilya ng nililigawan niya tiyak na papabor din sa kanya.

Catriona, hindi pa nakakabalik ng PH

Kahit saan naman ay may mga magnanakaw, pero iisipin mo bang sa isang modernong lugar gaya ng London kung saan nagkalat ang CCTV uso rin ang ganung klase ng nakawan?

Nabiktima ng mga magnanakaw sa London si Catriona Gray kamakailan at ang sabi ay hindi pa ito nakakabalik ng bansa dahil sa mga kinakailangan nilang travel documents matapos matangay pati ang kanilang mga passport.

Hindi madaling proseso ang mawalan ng passport sa ibang bansa.

Kasama ni Catriona ang mga magulang nang nabukas-kotse gang sila.

Eh hindi nila dala nang bumaba ang mahahalagang gamit nila, ayun natangay.

May kakilala akong pag nasa abroad laging nasa katawan ang pasaporte para nga sa ganitong mga pangyayari.

Kung sabagay, kung iisipin nga ninyo, sa bansa kahit sa isang malaking simbahan na ang dami nang guwardiya napagnanakawan pa ang kotse ng mga taong nagsisimba.

Kasi iyong mga magnanakaw, papasok may dala ring sasakyan, magpa-park malapit sa target nila. Magnanakaw at tapos aalis na lang sila na akala mo walang nangyari. Pagbalik nung nag-iwan ng sasakyan at saka lang nila malalaman na nanakawan na pala sila.

Ang technic ng mga magnanakaw, agad-agad nilang bubuksan ang sasakyang naiwan na ang iba hindi nag-check kung nai-lock ang mga naiwan nilang kotse.

Diyan pa ba sa Sto. Domingo church eh ang lapit sa Banawe at sa Blumentritt kung saan ang bentahan ng mga surplus na bahagi ng sasakyan ay malaking negosyo.

At tandaan din ninyo, hindi dahil kayo ay nasa isang paid parking ay safe na kayo. Sa paid parking ang binabayaran ninyo ay ang karapatan lamang na pumarada kayo, hindi nila sagot ang mawawala sa inyo.

Kaya ang the best, huwag kayong mag-iiwan ng ano mang mahalagang bagay sa sasakyan para hindi kayo manakawan lalong-lalo nasa ibang bansa na nirentahan lang ninyo ang sasakyan.

Carmi Martin, may karanasan sa panghahalay

Ayan, umamin na rin si Carmi Martin na noong araw na kasagsagan ng kanyang career ay may isa ring direktor na nagtangkang molestiyahin siya, pero ipinakita niyang hindi iyon uubra sa kanya.

Totoo naman na noong unang panahon pa nangyayari na ang sexual harassment at molestation pero noon mas pino pa, dinaraan nila sa panliligaw, bahala na kung kakagat pero walang pinipilit, walang pinupuwersa dahil takot sila sa iskandalo.

Sa kaso ng mga artistang babae noon, marami rin naman tayong nababalitaan na pumapatol pero hindi pinwersa kaya walang gulo. Maski naman iyong mga artistang lalaki, nililigawan ng mga baklang direktor, producer o writer, pero walang nababalitang napwersa. Kaya lang naman nag­kagulo ngayon ay dahil lumalabas na diumano’y nahaluan ng droga kaya napilit ang biktima sa mga bagay na hindi niya talaga gusto. Hindi na lang kasi tumiyempo eh, pinilit pa.

Aktor, nagnegosyo ng brief

May isang male bold star na madalas daw makatanggap ng request na bibilhin na lang ang kanyang “used briefs” kaya naisip niyang magbukas na lang ng isang underwear business na siya ang gagawa mismo ng design at iyon na lang ang ipagbibili niya.

 Pero hindi na bago iyan. Noong araw pa may ganyan. May isa pa ngang showbiz gay na may collection ng mga underwear ng mga lalaking naka-date na niya at kabilang doon ay ilang artistang lalaki.

Kung iisipin mo weird at kadiri pero iyon ang trip ng mga bading eh, ‘di bahala sila.

vuukle comment

JERICHO ROSALES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with