^

Pang Movies

Joshua at Julia, may sasagutin

Pang-masa

MANILA, Philippines — Masaya bang balikan? Dapat bang balikan?

Ilan lamang ito sa mga katanungang pupukaw sa isip at damdamin ng publiko kapag napanood nila ang reunion movie nina Joshua Garcia at Julia Barretto na Un/Happy for You na ipapalabas na sa mga sinehan sa buong bansa ngayong Agosto 14.

Sa teaser trailer ng pelikula na umani ng 23 milyong views sa iba’t ibang digital platforms sa loob lamang ng walong araw mula nang ito ay i-upload online, makikita ang mga matatamis na alaala ng mga karakter nina Joshua (Juancho) at Julia (Zy) pati na ang kanilang nakakadurog na breakup na sinabayan pa ng Paubaya ni Moira dela Torre bilang background music.

Laman din ng teaser ang maraming katanungan na tiyak na sumagi na sa isipan ng mga taong nakaranas na ng pait at saya na dulot ng pag-ibig tulad ng: “Masaya bang balikan? Dapat bang balikan? Delulu pang balikan? Masarap bang balikan? ‘Di na dapat balikan? Paano nga ba balikan?”

Dama na online ang excitement ng fans na nag-aantay sa premiere ng pelikula ng Star Cinema at Viva Films sa Agosto.

Ibinahagi rin nina Joshua at Julia ang ilang behind-the-scenes na larawan sa kanilang paparating na pelikula sa kani-kanilang mga social media account para pasayahin ang mas maraming tagahanga.

Sa direksyon ni Petersen Vargas at panulat nina Kookai Labayen, Crystal San Miguel, at Jen Chuaunsu, ang Un/happy for You ang reunion film nina Joshua at Julia na mapapanood sa mga sinehan simula ngayong Agosto 14.

GMA Gala, inaabangan na

Bukas na ang most anticipated event of the year!

Sa Instagram account ng Sparkle GMA Artist Center, makikita ang exclusive teasers at countdown para sa nalalapit na GMA Gala 2024 na gaganapin sa Sabado, July 20.

Marami sa mga Sparkle at Kapuso artists ang nagbigay ng sneak peeks sa kanilang outfits, at ang iba naman ay nagpakilig sa mga date proposals na nakakuha ng matamis na “yes”!

Nakaabang na rin ang netizens sa jaw-dropping outfits ng kanilang favorite Kapuso stars na mapapanood sa red carpet ngayong Sabado.

vuukle comment

JOSHUA GARCIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with