^

Pang Movies

Maris, ‘di naisingit ang Toronto Filmfest

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Maris, �di naisingit ang Toronto Filmfest
Maris Racal
STAR/File

Pati si Eugene Domingo, ini-encourage si Maris Racal na um-attend sa screening ng movie niyang Sunshine na entry sa Toronto International Film Festival o TIFF. Nag-comment si Uge ng “You should attend the screening,” ito ay pagkatapos mabalitang hindi makakadalo si Maris dahil sa previous commitment.

Kasama ang fans ni Maris na nangungulit sa kanya na um-attend sa Sept. 5-15 dahil minsan lang daw ito mangyari sa career niya. Sinabihan din siya na mami-miss niyang hindi makita ang Hollywood actress na si Cate Blanchett kapag hindi siya um-attend.

Sabi ni Maris, “Alam ko alam ko kung sino mga nandun iiyak na ako pls may conflict lang talaga sa schedule. Next time ko na lang siguro mameet asawa ko huhu love u cate blanchett.

“ilalaban pa rin natin ang mga Filipino movies! marami pang chances !! (this is what i tell myself para mawala yung inggit huhu).”

Wala siyang binanggit kung ano ang schedule niya na pumipigil para dumalo siya sa TIFF, ang hula ng kanyang fans, ang taping ng Incognito ang kanyang tinutukoy. Nagsimula na ang taping ng action series sa Palawan at kasama siya sa cast at kailangan na siguro siya sa taping.

Nag-offer ang fans niya na sila ang makikiusap sa Star Magic, sa ABS-CBN at sa producer ng Incognito para payagan si Maris na um-attend sa TIFF. Kahit daw sa screening lang ng Sunshine makadalo man lang ang aktres.

Heart, nire-request sa widows’…!

Dahil sa nabanggit ni Heart Evangelista na gusto niyang makatrabaho ang good friend niyang si Bea Alonzo, may mga nag-suggest na i-guest siya sa Wi­dows’ War na isa sa mga bida si Bea. Sabi naman ni Heart, kahit isang maiksing eksena lang ang pagsamahan nila, basta makasama lang sila.

Nakakatuwa nga ito sa sinabing kahit mahaba ang taping, basta si Bea ang kaeksena niya, okay sa kanya. Kaya, lalong pursigido ang fans nila na i-guest si Heart sa WW at mas maganda kung hindi lang si Bea ang makakaeksena niya, pati na rin si Carla Abellana.

Anyway, mukhang malapit na ngang bumalik sa paggawa ng series sa GMA 7 si Heart dahil ang ibang interview sa kanya, ang gagawing project na ang itinatanong. Sa exlusive interview video ng Adventure. Taste. Moments, may nabanggit sa gagawin niya sa Kapuso network.

Sa 2025 pa ang target airing ng pagbabalik ni Heart sa paggawa ng teleserye at namimili pa lang yata ang GMA sa babagay sa kanyang project.

Jillian at Sen. Bong movie, wala nang pag-asa?!

May mga natuwa at marami ang nalungkot sa balitang tatapusin na ng GMA 7 ang Abot Kamay na Pangarap. Sabi ng mga nalungkot, hindi na nila masusubaybayan ang mangyayari kay Doc Analyn, ang karakter ni Jillian Ward at gusto rin pala ng viewers ang iba’t ibang naggi-guest sa afternoon series.

Hindi pa ina-announce ng GMA kung ano ang ipapalit, ang sabi, baka ang Prinsesa ng City Jail ni Sofia Pablo. Puwede rin ang Forever Young o kaya’y ang Mommy Dearest. Hindi pa rin nababanggit kung kailan magtatapos ang AKNP at ang sabi lang, malapit na.

Ang wish ng fans nito, makagawa na siya ng pelikula para mas makilala pa si Jillian. Wala nang balita kung matutuloy pa ang pelikula na pagsasamahan nila ni Senator Bong Revilla, Jr., na hindi pa pala makapagtrabaho dahil nagti-therapy pa rin.

vuukle comment

MARIS RACAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with