^

Pang Movies

Netizens, na-stress kay Wil!

Salve V. Asis - Pang-masa

MANILA, Philippines — Wow ang bilis napagod ni Willie Revillame sa pagbalik niya sa free TV.

Trending nga ang TV host dahil sa reklamo ng ibang televiewers na na-stress sila sa panonood ng programa nito na Wil to Win sa rant nito sa kanyang programa.

Obvious nga na pressured ito lalo dahil sa rating issue.

Harap-harapan sa audience, contestants, at on air ay nag-e-emote ito na hirap na hirap na diumano siya sa show na ito.

Aniya, siya na raw ang gumagawa ng lahat-lahat, at harapang tinalakan ang mga staff.

Samantalang kung tutuusin ay kakaumpisa pa lang nila pero aniya lahat, siya ang nag-iisip.

DenJen, may tinagong baby boy

May naka-preserve na baby boy sa Amerika ang mag-asawang Dennis Trillo and Jennylyn Mercado.

Ito ang inamin ng actress kahapon nang ipakilala siya bilang pinakabagong ambassador ng Beautederm.

Marami ngang nagulat nang aminin nina Dennis Trillo and Jennylyn na tatlong buwang buntis noon na sinubukan nila ang surrogacy.

 Sa kanilang interview na kasabay sa pagkumpirma nila ng pagbubuntis ng actress at kanilang engagement, sinabi nilang bumiyahe pa sila ng Amerika para mag-harvest ng egg – nagkaroon ng fertility treatments at nakipag-usap pa sa puwedeng magdala ng kanilang magi­ging anak.

“Naka-harvest kami ng five eggs. Pero isa lang ‘yung excellent egg so parang tapon din ‘yung apat – isa lang talaga. Isa lang ‘yung nabuo ko,” banggit ni Jennylyn sa interview niya that time.

At ang egg na ‘yun ay baby boy.

Bigla ngang nabuntis si Jennylyn na nalaman niya habang nasa taping ng Love.Die. Repeat,” pag-alala ng actress kung paano niya nakumpirma ang pagbubuntis noon.

Two-year old na sa kasalukuyan ang daughter nilang si Dylan.

Pero wala pa raw silang plano na sundan sa kasalukuyan si Dylan.

Sabi pa ni Jennylyn kahapon, ini-enjoy niya ang pagiging nanay sa tatlong anak – si Dylan at dalawang boys nila ni Dennis sa naunang relasyon.

Maris, may inamin tungkol sa kanila ni Anthony

Kilala at mas lalong minahal si Maris Racal ng masa bilang si Irene Tiu sa hit series na Can’t Buy Me Love. At muli siyang magbabalik sa spotlight sa kaniyang lead role sa dark comedy film, Marupok AF.

“‘Yung pinaka-proud ako is ‘yung Irene Tiu. ‘Yun talaga ‘yung nag-open ng doors sa akin ngayon parang endless pa rin ‘yung blessings and thankful ako sa universe na patuloy pa rin ang blessings. Unexpected siya.” sabi ni Maris.

Noong 2014, sinimulan ni Maris ang kanyang journey sa entertainment industry bilang 2nd Big Winner ng Pinoy Big Brother: All In. Dito nagsimula ang kanyang career under Star Magic.

Higit sa pagiging composer, singer, dancer, aktres, vlogger/content creator, endorser, at entrepreneur, minahal siya ng generation ngayon dahil sa kaniyang unique na personality.

Pinasaya niya ang telebisyon sa kanyang acting roles gaya sa Hawak Kamay (2014), Maalaala Mo Kaya, Ipaglaban Mo!, Oh My G!, at How to Move On in 30 Days (2022), at marami pang iba. Ang kanyang pagganap sa Here Comes the Groom ay nagbigay sa kanya ng nomination na Best Supporting Actress sa Metro Manila Film Festival.

“Nakaka-warm pa rin ng heart. Naalala ko ‘yung 16-year-old Maris na nagwo-wonder, ‘what’s coming for her?’. Now the older Maris seeing it, napatunayan mo talaga sarili mo. Pinakita niya na kaya niya ang buhay showbiz,” bahagi ni Maris habang inaalala ang kanyang career na tumagal ng 10 years.

Mas lalong minahal siya ng mga manonood nang gumanap siya bilang Irene Tiu kasama ang kanyang on-screen partner na si Anthony Jennings.

Nang matanong tungkol sa loveteam niya with Anthony, o MaThon, kung tawagin, sabi ni Maris, “Kami ni Anthony, grabe ‘yung mga pangarap namin. Sana after the movie na gawin namin, magbunga pa kasi we have that special rapport na hindi ko ma-mimic with other people. Masarap siya katrabaho, ka-banter and kaeksena. Sana makagawa kami ng films na in 50 years, people will look back and will be in their Top 3 or Top 5, ‘yung classic ganun.”

“Na-challenge ako kasi before Irene Tiu, Beanie was the first complex character that I played. Charming siya but she has very dark intentions towards people. Dun ako na-challenge, so I really prepared. Nanood ako ng films na like that to get into the zone,” sabi ni Maris tungkol sa preparations niya para sa kaniyang lead role sa movie na Marupok AF. 

vuukle comment

WILLIE REVILLAME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with