^

Pang Movies

Jennylyn, hindi pa ulit Kapuso

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Jennylyn, hindi pa ulit Kapuso
Jennylyn

From Jennylyn Mercado herself, kinumpirma ng aktres na hindi siya lilipat ng ibang network at mananatili siyang Kapuso.

Nilinaw ito ng Kapuso Ultimate Star sa kanyang enggrandeng launching/contract signing bilang pinakabagong ambassador ng Beautederm na ginanap kahapon sa Solaire Hotel, Quezon City.

“Ang daming nag-aantay ng sagot na ‘lilipat ba?’ ganyan. Ako naman po eh, twenty years na po akong Kapuso ang I’m very thankful na hanggang ngayon po eh, ako po ay Kapuso pa rin,” aniya.

Hinihintay na lang daw nila ang kanyang kontrata na hopefully ay ma-finalize na.

“Mayroon pong mga nine-nego (negotiate) pero mabilis na lang po ‘yan. We’re just waiting for the contract pero happy pa rin ako na maging Kapuso basta gusto pa rin nila ko, ‘di ba?” she said.

Nilinaw rin ni Jen na wala talagang naging offer sa kanya from other networks.

When asked kung freelancer siya ngayon, she answered, “yes po.”

Natanong nga rin sa aktres ang tungkol naman sa pagkaka-hack ng TikTok account ng mister niyang si Dennis Trillo.

“Nasa pictorial ako ng Beautederm no’n, sabi ko anong nangyari? ‘Yung management ko ang nagsabi sa akin. Sabi ko, imposibleng mangyari ‘yan. Sabi ko, ‘hindi si Dennis ‘yan, hindi siya ganu’n.’ Sa tagal naming magkasama, sa tagal ng pagkakakilala ko sa kanya, hindi siya ganu’n,” pagtatanggol ni Jen sa hubby.

“Ang advice ko na lang sa kanya, ‘hirapan mo nga ‘yung password mo!’” natatawa niyang dagdag.

Samantala, two years ago pa pala kinukuha ng Beautederm para maging endorser. Pero nagkataong nabuntis ang aktres sa first baby nila ni Dennis kaya na-delay ito.

Kaya naman masayang-masaya si Jen at ang CEO ng Beautederm na si Miss Rei Anicoche Tan na finally ay natuloy na ang kanilang pagsasama.

Si Jennylyn ang official ambassador ng newest facial care ng Beaute­derm na ThreemendousTRIO serums – the Cristaux Vitamin C, Cristaux Hydra Beauty, and Cristaux Retinol.

Andrea, nag-iba na ang taste sa lalaki

Zero pa rin ang love life ni Andrea Brillantes at sey nga niya sa latest interview niya kay MJ Marfori, si God lang daw ang lalaki sa buhay niya ngayon.

“Ang lalaki lang sa life ko ngayon, si Papa God. I think, ‘yun ‘yung glow na nakikita n’yo sa akin ngayon,” aniya.

Isa pa raw dahilan siguro kung bakit siya blooming ngayon ay dahil tinanggap na raw niya nang buong-buo ang pagiging fangirl niya.

Unlike before na medyo nag-lie low siya nang ma-bash siya nang bonggang-bongga dahil sa pagiging fan ng isang sikat na K-pop group, ngayon daw ay matapang na siya at kaya na niyang ipaglaban ang kanyang idolo.

“Because I was 14 that time, siyempre, natakot ako, tapos medyo ano. Twenty one na ‘ko ngayon, so medyo mas palaban na ako sa mga mahal ko ngayon, mas kaya ko nang ipaglaban ang mga mahal ko ngayon.

“I think ngayon, in-accept ko na na I’m a fangirl, yes, and kung iba-bash n’yo ko dahil fangirl ako…” aniya.

Aminado naman si Andrea na super-fan siya ng South Korean actor na si Kim Soo Hyun na bida ng K-drama na Queen of Tears. Teenager pa lang siya ay crush na crush na niya ito pero that time ay tinago lang niya dahil nga takot siyang ma-bash.

Ngayon daw ay hindi na raw siya takot kaya hindi na niya itatago ang kanyang pagiging fangirl.

vuukle comment

JENNYLYN MERCADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with