^

Pang Movies

Kristine, nanampal!

STAR TALK - Lolit Solis - Pang-masa
Kristine, nanampal!
Kristine

Ang bongga naman ng aktres na si Kristine Hermosa na pinatunayang “aging like a fine wine.”

Nag-post ito ng mga litrato niya na lutang ang kanyang ‘timeless beauty’ na nagpapasalamat siya sa kanyang makeup artist na si Anthea Bueno, na kumuha rin ng kanyang magagandang photos.

“Thanks for the “chamba” photos @antheabueno,” caption ng misis ni Oyo Boy Sotto.

Puno ng mga puso at papuri ang comment section niya at lahat ay sang-ayon at tinawag siyang diyosa.

Nagkomento ang kapatid niyang si Kathleen Hermosa at sinabing “Wow Ganda naman!! Parang Hollywood actress!!!”

Isa pang pinuri sa kanya ay natural daw talaga ang ganda nito at walang retoke, tinawag din siyang “The epitome of timeless beauty!”

Parang bampira nga raw at hindi tumatanda ang 40-year-old actress na mommy sa kanilang limang anak ni Oyo.

Hindi nga sila sumang-ayon sa chamba dahil sobrang ganda pa rin nito gaya ni Kuya Kim Atienza na napakomento ng “Kahit chamba, ganda pa din!”

Aliw naman ang naging komento ng Miss Universe Philippines 2014 na si MJ Lastimosa na nagkomento ng “so bakit kelangan sinasampal nyo pa saming mga chucky dito sa ig?”

Tanong naman ng ibang netizens ay ano raw kaya ang tubig nito at ganon daw ito kaganda habang ang iba ay gustong malaman ang skincare nito.

vuukle comment

KRISTINE HERMOSA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with