Kim, nagbanta!

Nabasa ng fans ni Kim Chiu ang sunud-sunod na tweet niya sa X calling out people who are spreading false information about her. “My legal team is already looking into the individuals and platforms responsible for spreading false information, malicious rumors, and invading my privacy, including possible violations of Article 26 of the Civil Code of the Philippines.
“Social media can be a powerful tool for both good and bad. Sana gamitin natin ito sa mabuting paraan, hindi para manira, manghusga, o makialam sa pribadong buhay ng ibang tao. Not everything I go through needs to be shared, explained, or justify to the public. You never know what someone is going through until you’re in their shoes.
“Freedom of expression comes with responsibility. A little kindness and respect go a long way.”
Sinundan ng tweet na, “It’s sad when our society has come to. Creating narratives about someone’s life you barely know, just to make a story more interesting for monetization. At whose expense?
“I understand how difficult it is to earn a living, especially as we get older. But should earning money come at the cost of someone else’s peace and dignity?
“At the end of the day, what legacy do we want to leave behind in Philippine Showbiz?
“Monetization is temporary. Integrity is your legacy.”
Agree ang fans ni Kim kung sakaling magdemanda siya dahil marami ang sumosobrang magbalita tungkol sa kanya. Exagg na exagg. Nagsumbong pa ang fans kung sino ang mga dapat niyang idemanda.
May kinalaman yata sa nababalitang preggy raw si Kim kaya nasa Canada. Pinangunahan na ang balita, wala pa mang formal announcement galing kina Kim at Paulo Avelino, ang itinurong ama ng ipinagbubuntis daw ni Kim.
May disclaimer na si Direk Tony Mark, na-hack daw ang Facebook account niya. Si Direk Tony Mark kasi ang nagbalita na buntis si Kim at nasa Canada na para bang kinumpirma nito na preggy nga si Kim.
SB19, magpe-perform sa Coachella 2027
May announcement na ang Coachella na kabilang sa magpi-perform sa Coachella 2027 ang SB19. Naka-schedule sa April 9 to 16 ang music fest at kasama nga sa performers ang p-Pop king ng bansa.
Karamihan sa kasama ng SB19 ay banda o grupo at dahil magagaling ang pambato ng bansa, siguradong mapapansin sila ng foreign music audience.
Sharmaine, certified vet na!
Legit na veterinarian na ang aktres na si Sharmaine Arnaiz dahil pumasa siya sa Board exam.
Second try na ito ng aktres sa Board kaya masayang-masaya. Puwede nang dalhin sa kanya ang fur babies ng mga kaibigan niya sa showbiz for checkup at kung anu-ano pang problema.
Pinasalamatan ni Sharmaine sa kanyang Instagram ang mga tumawag, nag-text, nakitawa at nakiiyak sa kanya sa magandang balitang ito.
Isa sa mga nag-congratulate kay Sharmaine si Rabiya Mateo na nasa medical school, naka-enroll ng medicine sa UST at tutuparin ang pangarap na maging doctor.
Congratulations, Sharmaine!
- Latest
























