^

Punto Mo

Mayang (71)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“Di ba nabanggit mo sa akin nung una tayong magkita na nagpunta ka sa bayan nina Mayang para hanapin siya?’’ tanong ni Mam Araceli kay Jeff.

“Opo Mam. Ang nakita ko lamang po sa bahay nina Mayang ay ang katiwala na si Lolo Nado.’’

“Sa katabing bayan ng Socorro, naroon si Mayang. Doon na siya naninirahan. Mayroon siyang tindahan sa palengke.’’

“Ano pong pangalan ng bayan, Mam Araceli?’’

“Pinamalayan.’’

“Mga gaano po kalayo sa Socorro ang Pinamalayan?’’

“Mga treinta minutos mula Socorro.’’

“Malapit lang pala.’’

“May puwesto sa palengke si Mayang.’’

“Paano mo po nalaman ang kinaroroonan niya?’’

“Nagpunta siya rito—dinalaw ako.’’

“Kailan po?’’

“Kamakalawa lang. Hindi kita tinawagan sapagkat ang gusto ko, puntahan mo siya sa bayan nila. Mas maganda kung kayo mismo ang magkakausap.”

“Meron po ba siyang nabanggit ukol sa akin, Mam?’’

“Wala.”

“Kahit po pangalan ko, hindi niya nasabi.”

Umiling si Mam.

“Basta ang nasabi niya at mayroon siyang tindahan sa palengke ng Pinamalayan at ayon sa kanya ay maayos naman.’’

“May nasabi po ba siya kung meron na siyang iba…”

“Ibang kasama sa buhay?’’

“Opo.’’

“Wala siyang nasabi tungkol dun.’’

“Ano po ang itsura niya Mam.”

“Napakaganda niya.’’

Na-imagine ni Jeff ang magandang mukha ni Mayang. Lalo siyang nasabik.

“Puntahan mo na siya Jeff.’’

“Opo Mam. Bukas din po.’’

“Puntahan mo ako kapag nagkita na kayo.’’

“Opo Mam.’’

KINABUKASAN, nagtungo na si Jeff sa Pinamalayan. Sa mismong palengke siya bumaba ng bus. Hahanapin na niya si Mayang.

(Itutuloy)

ARACELI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with