^

Punto Mo

EDITORYAL - OFWs sa Lebanon walang tumutulong?

Pang-masa
EDITORYAL - OFWs sa Lebanon walang tumutulong?

NAGPAPATULOY ang pagbomba ng Israel sa grupong Hezbollah sa Southern Lebanon. Target ng Israel ang pinagkukutaan ng Hezbollah sa Southern Lebanon. Gumaganti naman ang Hezbollah na nagpapakawala rin ng mga rocket. Noong nakaraang linggo, nagpakawala ng daan-daang missile rockets ang Iran sa Israel bilang pakikisimpatya sa grupong Hamas sa Gaza at Hezbollah sa Lebanon. Isang Israeli soldier ang napatay sa missile attack. Nagbanta ang Israel na gaganti sa Iran.

Eksaktong isang taon na ang kaguluhan sa pagitan ng Israel at Hamas. Sinalakay ng Hamas ang mga Israeli habang nagkakasayahan sa isang lugar malapit sa Gaza noong Oktubre 7, 2023. Maraming Israeli nationals ang napatay habang marami rin ang binihag. Hanggang ngayon, nananatiling hawak ng Hamas ang mga bihag. Subalit determinado ang Israel na pagbayarin ang Hamas sa ginawang pagsalakay. Halos mapulbos na ang mga gusali sa Gaza dahil sa pambobomba ng Israel. Marami na ang namamatay pero sabi ng Israel, hindi sila titigil hangga’t hindi napapatay ang mga matataas na lider ng Hamas.

Habang gumaganti ang Israel sa Hamas, nakisali na rin ang Hezbollah sa giyera. Dalawang grupo ang ka­laban ng Israel sa kasalukuyan at kung magpapatuloy ang pagwasak nila sa mga pinagkukutaan ng Hezbollah sa Lebanon, posibleng sumali na ang Iran.

Ang Lebanon ngayon ang nagmimistulang war zone sapagkat narito ang headquarters ng Hezbollah. Nagsasagawa ng ground operations ang Israel para mapasok ang kuta ng Hezbollah. Hindi umano titigil ang Israel sa paglusob sa Hezbollah gaya ng ginagawa nila sa Hamas sa Gaza.

Maraming foreign nationals sa Lebanon na kinabi­bilangan ng Americans, Australians, Chinese, Brazilian­, Canadians, French, Germans, Italians, Japanese, Dutch, Portuguese, South Koreans, British, Spaniards, Slovaks, Russians, Pilipinos at marami pa.

Naghahanda at may plano na para sa paglilikas sa mga foreign nationals doon maliban na lamang na yata sa Pilipinas. Maraming OFWs sa Lebanon na tinata­yang nasa 11,000 na karamihan ay nagtatrabahong domestic helpers. Sa isang news forum sa Quezon City noong isang araw, walang balak ang gobyerno na itaas ang alert status sa Lebanon. Hindi pa raw dapat.

Kahapon, isang OFW ang ininterbyu sa programa ni Kabayan Noli at sinabi nitong wala pa siyang naku­kuhang tulong sa pamahalaan. Nangangamba umano siya sa kalagayan dahil pina-padlock ng kanyang amo ang gate para hindi makalabas. May mga domestic helpers umano na inaabandona ng employers.

Hihintayin pa ba ng pamahalaan na may OFWs na mamatay bago magsagawa ng repatriation? Kumilos na sana nang mabilis ang DFA at DMW.

OFW

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with