^

Punto Mo

Ang pinakamimithing anak na lalaki

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

SI First Lieutenant Tian Jingjian ay Peoples First Liberation army officer sa loob ng sampung taon. Sharp shooter siya at bihasang-bihasa sa military technology. Nangangarap siyang magkaroon ng anak na lalaki kaya kahit may isa na silang anak na babae, nagpasya ang mag-asawa na mag-anak muli kahit iyon ay labag sa one-child policy ng China. May usapan silang ililihim nila iyon hanggang sa manganak at bahala nang makiusap sa pamahalaan na payagan sila na mag-anak ng dalawa.

Pitong buwan na ang ipinagbubuntis ni Misis nang isang madaldal na kasamahan ni Tian sa army ang nakaalam ng sikreto nilang mag-asawa. Ito ang nagparating sa mga opisyal ng army. Pagkaraang makarating sa mataas na opisyal, ito ay agad inireport sa “birth control officers”. Walang nagawa ang mag-asawa kundi pumayag na ilaglag ang fetus, na normal na ginagawa nang sapilitan kapag nagkaroon ng anak sa ikalawang pagkakataon.

Ngunit nagkaroon ng kumplikasyon ang operasyon at namatay si Misis kasama ang fetus na nalamang ito pala ay isang lalaki. Halo-halong emosyon ang nadama ni Tian. Nawala na ang pinakamamahal niyang asawa, nawala pa ang pinakamimithi niyang anak na lalaki.

Noong Setyembre 20, 1994, nagngangalit sa galit si Tian na sumugod sa kanyang military base bitbit ang kanyang Type 81 assault rifle. Pagkakita sa kasamahang nagsumbong ng tungkol sa pagbubuntis ay agad niya itong binaril sa ulo. Ang pangalawa niyang hinanap ay ang kanyang nakatataas na opisyal na nagsuspendi sa kanya ilang araw bago ang pagkamatay ng asawa. Sa dibdib niya ito tinamaan. Nag­huhurementado na si Tian sa galit dahil sa sunud-sunod na kamalasang nangyari.

Hinabol si Tian ng mga kasamahan ngunit nakatakbo ito patungo sa Jianguomen, isang mataong lugar sa Beijing China. Wala na siya sa sarili at ipinagpatuloy ang walang habas na pamamaril. Palibhasa ay sharpshooter, marami siyang napatay kabilang na ang Iranian diplomat at anak nito, 17 sibilyan at 11 sundalo. Natigil lang ang pamamaril nang isang sniper ang tumapos sa buhay nang mahusay na sundalo na nais lang magkaroon ng anak na lalaki ngunit naging mitsa nang malupit niyang wakas. Birthday ni Tian nang araw na iyon.

vuukle comment

TIAN JINGJIAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with