^

Punto Mo

Mayang (8)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“NAG-IISA ka na ba sa buhay, Lolo Nado?’’ tanong ni Jeffrey.

“Oo. Namatay na ang asawa ko.’’

“Wala po kayong anak?’’

“Wala.’’

“Mga kamag-anak ­meron ka Lolo Nado.’’

“Meron pero malayo rito.’’

“E ano po ang pinagkakakitaan mo?’’

“Kapag tiyangge sa bayan ay nagtitinda ako ng mais at mga gulay. Tuwing Sabado ang tiyangge at nakakaraos naman.’’

“Mula po nung tumira ka rito, ni minsan ay hindi ­dumalaw si Mayang?’’

“Hindi. Kaya kung sakali at dadalaw siya rito ay baka hindi ko siya makilala. Isang beses ko lang siyang nakita at mabilisan pa.’’

“Maganda po siya Lolo. Tsinita at maputi.’’

“Oo nga natatandaan ko na singkit siya.’’

“Hindi po kaya nasa bayan lang siya Lolo at dun na nakatira?’’

“Kung sa bayan lang e bakit ni minsan ay hindi siya dumadalaw? Malapit lang ang bayan dito.’’

“Sabagay nga po. Baka po nasa Maynila.’’

“Siguro nga.’’

Nang mag-alas singko ng hapon ay nagpaalam na si Jeff para umalis.

“Bukas ka na ng umaga umalis. Baka wala ka nang masak­yang bus,” sabi ni Lolo Nado.

“E nakakahiya naman po na dito ako matutulog.”

“E ano naman? Kaysa matulog ka sa terminal e ­malamok dun at maraming lasing na pakalat-kalat. May beerhouse kasi sa tabi ng terminal.’’

“Sige po, Lolo.’’

“Maghahanda na ako ng kakainin natin sa hapunan. Kumakain ka ba ng adobong labuyo?’’

“Aba opo Lolo! Masarap yun!’’

“Sige yun ang uulamin natin.’’

(Itutuloy)

MAYANG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with