^

Punto Mo

Trillanes, ­gagayahin ang laban ni Gat Bonifacio sa Caloocan!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

Flash alarm: Sasadsad lalo ang imahe ng Philippine National Police dahil sa kalokohan nitong si retired cop Cesar Filosopo na isang tong kolektor. Bakit? Umiikot kasi si Filosopo sa Metro Manila para kausapin ang mga gambling lord. Wala naman sanang masama sa diskarte ni Filosopo kung bitbit lang niya ang kanyang bayag. Kaya lang ang ginigisa ni Filosopo ay ang pangalan ni PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil. Araguyyy!

Ayaw ni Marbil ng ganyan! Hindi lang ‘yan, binuhay pa ni Filosopo ang mga patay na butas tulad ng Special Task Force at Special Operations Unit kaya hayun nag-iiyakan ang financiers. Mismooo! Sa panahon na nasa kasagsagan ng paglilinis ni Marbil sa hanay ng PNP, paano niya hahabulin si Filosopo na retirado na. ‘Ika nga, sibilyan na siya. Aabutin ng kidlat ni Marbil si Filosopo.

• • • • • •

Hinahintulad ni ex. Sen. Sonny Trillanes ang kanyang pagtakbo bilang mayor ng Caloocan City sa adhikain ni Supremo Gat Andres Bonifacio na labanan ang malawakang corruption noong panahon ng Kastila sa siyudad. Si Trillanes ay nag-file na ng kanyang Certificate of Candidacy noong Huwebes (Okt. 3) sa SM Grand Central (Comelec North Sector) at nangako na wawalisin niya ang kalokohan sa pondo ng Caloocan. Eh di wow!

Ang mahigpit na kalaban ni Trillanes ay ang incumbent Mayor Along Malapitan. Sa biglang tingin, lamang si Malapitan dahil hawak niya ang pondo ng siyudad subalit si Trillanes ay hindi naman bago sa labanan, maging sa pulitika at kudeta man, di ba mga kosa? Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Inihambing ni Trillanes ang sarili sa makabagong Bonifacio, ang supremo ng Kataas-taasan, Kagalang-galangang Katipunan ng mga anak ng Bayan (KKK). Aniya, ang laban niya sa pagka-mayor ng Caloocan ay parang laban noon ni Bonifacio upang makamit ang Kalayaan ng ating bayan sa mga dayuhang Espanyol.

Nais ni Trillanes na makamtan ng taga-Caloocan ang Kalayaan sa massive corruption, at mismanagement ng halos lahat ng sangay ng pamahalaang lungsod kaya halos walang makikitang progreso ang siyudad.

Hamakin n’yo, kulelat ang lungsod kung ikukumpara sa mga siyudad ng Makati, QC, San Juan, Mandaluyong, Taguig, at Pasig. Dipugaaa! Iginiit ni Trillanes na panahon na para iahon ang bantayog ng Caloocan bilang pinakamakasaysayang lungsod sa Metro Manila. Ano pa nga ba?

Nakalulungkot isipin, ani Trillanes, na sa Caloocan nangyari ang “Cry of Balintawak” kung saan ang mga Pinoy ay umalsa sa pamamahala ng mga Espanyol. Dito nagsimula ang unang yugto ng digmaan kontra Espanyol sa pamamagitan ng pagpunit ng cedula bilang tanda ng himagsikan. Panahon na para matuldukan ang halos limang dekada ng political dysnasty kaya ang battlecry niya ay “maiba naman.”

Sa mga taga-Caloocan, walang masama na tahakin ang daan sa pagbabago. Subukan n’yo si Trillanes, may prinsipyo, matipuno at matapang laban sa corruption. Hehehe! Kanya-kanyang diskarte lang ‘yan! Sanamagan!

Si Trillanes ay hindi bagito sa laban dahil lider ito ng kudeta na ang ipinaglaban ay ang corruption sa gobyerno. Nagsilbi rin siyang senador noong 2007-2013 at 2013-2019 kaya may sapat na siyang karanasan sa pulitika. Abangan!

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with